Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen

Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen

- Isang netizen ang nagpahayag na nais niyang tulungan ang dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Bana-ag

- Ito ay matapos na mapanood daw umano nito ang pag-atras ni Raffy Tulfo sa pagtulong sa pamilya ni Michelle

- Bukod sa pustiso na ipagagawa para kay Michelle, handa rin umanong tumulong ang netizen sa iba pang pangangailangan ng mga mahal sa buhay nito

- Pinalakas din nito ang loob ng dating kinakasama ni Tekla sa pangambang mawala sa kustodiya nito ang kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen

Photo from Michelle Lhor Agpuya Bana-ag's Facebook
Source: Facebook

Isang nagmalasakit na netizen ang nagpahayag ng boluntaryo niyang pagtulong sa dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking ito ay nagpakilala lamang bilang si "Rashid" at handa raw siyang magpaabot ng anumang tulong na kailangan ng pamilya ni Bana-ag.

Korean na naloko raw ng ilang Pinoy, pinili pa ring tumulong sa ating mga kababayan

Ayon sa netizen, napanood umano nito ang episode ng 'Wanted sa Radyo' kung saan umatras na sa pagtulong si Raffy Tulfo sa pamilya ni Bana-ag.

"Bilang kababayang Pilipino, Michelle, kami po ay handang tumulong,"

"Sabihin mo lang kung magkano ang halaga ng pustiso mo, sabihin mo at gagawan po natin ng paraan na matulungan ka," ang pahayag mismo ng netizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod dito, pinalakas pa nito ang loob ni Michelle na nangangambang makuha sa kanya ang anak nila ni Tekla sakaling mapatunayang gumagamit pa ito ng ipinagbabawal na gamot.

Pinayuhan niya ito na ayusin ang "lifestyle" lalo na at wala pa namang nagaganap na drug test at hindi pa nasusuri ng DSWD ang kalagayan ng anak nito gayundin ang mga kasama nilang pamangkin.

"May mga tao sa likod mo na naniniwala at kakampi mo sa kabutihan," dagdag pa ng netizen.

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

Bukod pa rito, handa ring sagutin ng naturang netizen ang iba pang mga pangangailangan ni Michelle maging ng pamilya nito.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng Showbiz Headliners YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nabulabog ang publiko dahil sa mga isiniwalat ni Michelle Lhor Bana-ag sa kung paano sila di umano itrato ng dating live-in partner na si Super Tekla.

Matapos ang ilang araw na panayam nito sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo', siya rin mismo ang nagsabing nagkaroon na sila ng kasunduan ni Tekla patungkol sa kanilang anak.

Gayunpaman, siya pa rin ang nagsabi kay Tulfo na ipatutuloy niya ang drug test at lie detector test na agad din niyang inurungan isang araw matapos na sabihing gagawin pa rin niya ang mga ito.

Ito ang naging mitsa ng pag-atras na rin ni Tulfo sa mga tulong na ibibigay niya sana sa pamilya ni Bana-ag sa paghihinalang may mga itinatago na ito at isa na rito ang posibilidad na maaring gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel