Video ng mister na napaiyak dahil sa surpresa ng misis, nagpakilig sa netizens

Video ng mister na napaiyak dahil sa surpresa ng misis, nagpakilig sa netizens

- Viral ang video ng isang mister na napaiyak sa sobrang saya dahil sa surpresa ng kanyang misis

- Nagdiriwang pala silang mag-asawa ng ika-17 wedding anniversary at naisipan ng misis na isurpresa ang mister

- Ayon pa sa post ng misis, tila alam na niyang iiyaka ang mister dahil ang surpresa niya ay matagal na nitong minimithi

- Maging ang mga netizens ay kinilig sa sweetness ng mag-asawa lalo na at halos dalawang dekada na silang magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng mister na napaiyak dahil sa regalo ng kanyang misis, nagpakilig sa netizens

Photo from Bullet Reyes' Facebook
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang video ng netizen na si Bullet Reyes kung saan sinurpresa niya ang kanyang mister na si Benson Madueno.

Nalaman ng KAMI na nagdiriwang ng ika-17 wedding anniversary ang dalawa.

Sa post ni Bullet, sinabi niyang mayroon daw siyang papaiyakin at iyon ay ang kanyang mister na kanya pa lang sinurpresa.

Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

Inabot ni Bullet ang malaking kahon na sa pagbukas ng mister ay puro gamit at grocery lamang nila sa bahay ang bumungad.

Ngunit nang buksan na nito ang talagang regalo, hindi na niya napigilan ang mapaiyak sa sobrang saya.

"Puro screenshot lang ako sa Marketplace, ngayon nasa akin na siya... Thank You Babe!" ang nasabi ng mister na walang tigil sa pagluha.

Ayon pa kay Bullet, alam niyang gustong-gusto ng kanyang mister ang mamahaling helmet kaya naman ibinigay niya ito sa kanya. Nais din niyang laging masaya ang kanyang mister na nagpapakahirap na maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay kinilig at napa-sana all sa sweetness na ipinakita ng mag-asawa lalo na at halos dalawang dekada na silang magkasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng mga nakapanood ng video:

Kabit, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito

"Nakakaiyak naman.... Happy Anniversary, more!!! more!!! more!!! Love"

"Kapag talaga mahal ka alam kung paano ka pasasayahin"

"Nakakaiyak sa tuwa, ride safe always sir! laging tatandaan na may nagmamahal sayong pamilya na nag-aantay happy anniversary at God bless sa inyo!"

"Mas okey po yang regalo na ganyan kasi bukod sa gusto ni kuya mas safe papo yan mapoprotektahan nyan ung buhay nya"

"Good vibes sir at ma'am at ganda ng samahan ng family nyo. Keep safe po. At pagmamahal para sa katulad ninyo ma'am."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral naman ang wedding proposal na naganap sa drive-in cinema ng SM Mall of Asia. Sa harap ng mga manonood na nasa kani-kanilang kotse ay biglang lumabas sa big screen ang video ng love story ng magkasintahan bago nag-propose ng kasal ang lalaki.

Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

Nagpakilig din ang kwento ng pag-ibig ng isang lolo na matapos na magkaroon ng COVID-19 at ma-isolate, walang ibang inisip kundi ang makauwi sa kanyang misis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel