Chin Alcantara, umalma sa pambabatikos sa kanya

Chin Alcantara, umalma sa pambabatikos sa kanya

- Inalmahan ni Chin Alcantara ng bandang MYMP ang natanggap na pambabatikos kasunod ng kanyang blackface makeup

- Paliwanag niya, ito ang kanyang paraan upang magaya ang look ng kanyang paboritong gitarista

- Gayunpaman, nabatikos siya dahil sa kanyang blackface makeup at dahil sa sinabi nitong propaganda lamang ang Black Lives Matter

- Ikinumpara din nito ang kanyang ginawa sa isang show sa ABS-CBN kung saan nagpaitim din ng kulay ng balat ang performer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa kanyang blackface makeup, pinaliwanag ni Chin Alcantara ng bandang MYMP na costume lamang niya ito para sa nakasanayang dress up pag Holloween.

Chin Alcantara, umalma sa pambabatikos sa kanya

MYMP (Photo by ilgan Sports/Multi-Bits via Getty Images)
Source: Getty Images

Ginagaya umano niya ang kanyang paboritong musikero. Inalmahan din niya kung bakit siya nakakatanggap ng pamababatikos at sinabihang racist gayung hindi lamang siya ang nag-iisang gumagawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa video na kanyang ibinahagi, sinabi niyang ginagamit lamang bilang propaganda ang Black Lives Matter lalo na sa bansang Amerika kung saan marami ang nagsasagawa ng protesta upang ipaglaban ito.

Pagpapaliwanag niya, hindi lang Black lives ang mahalaga kundi ang lahat ng buhay.

Kinuwestiyon din niya kung bakit tila katanggap-tanggap ang blackface sa isang palabas ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar kung saan nagperform ng One Sweet Day ang TNT Boys.

Paliwanag niya, hindi pagiging racist ang kanyang ginawa dahil ginagaya lamang niya si Jimi Hendrix na kanyang paboritong gitarista.

Si Chin Alcantara ang bumuo sa bandang Make Your Momma Proud o M.Y.M.P noong 1995. Ang pangalan ng banda ay bilang tribute sa namayapa niyang ina.

Naging isa sa pinaka sikat na banda ang MYMP noong taong 2000 hanggang sa unti-unti na silang hindi napapanood sa telebisyon at nag solo na ang bokalista nilang si Juris Fernandez. Kamakailan ay isiniwalat ni Chin ang umano'y tunay na nangyari kung bakit sila nawala sa ABS-CBN.

Ryza Cenon nanganak na sa panganay nila ng nobyong si Miguel Cruz

Bukod sa pagpeperform, naging delivery rider si Chin nitong pandemya sa sarili niyang food business.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel