Sarah Wurtzbach, inilabas ang mensahe ng ina sa kanya kaugnay sa kanyang alegasyon

Sarah Wurtzbach, inilabas ang mensahe ng ina sa kanya kaugnay sa kanyang alegasyon

- Hindi nagpatinag si Sarah Wurtzbach matapos maglabas ng video ang kanyang ina tungkol sa isyu nilang mag-ina

- Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ni Sarah ang screenshot ng umano'y mensahe ng ina tungkol sa pagkakagahasa sa kanya noong bata pa siya

- Sa video na inilabas ng kanyang ina, sinabi nito na kahit bata pa lamang si Sarah ay pumupuslit ito pag gabi

- Matatandaang nag-ugat ang kontrobersiya nang maglabas ng sama ng loob sa social media si Sarah laban sa ina at sa kapatid na si Pia Wurtzbach

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maglabas ng video ang ina nina Sarah at Pia Wurtzbach nakung saan nagpaliwanag siya tungkol sa nangyayaring sigalot sa kanilang mag-iina, hindi nagpatinag si Sarah at inilabas niya ang screenshot ng mensahe ng kanyang ina na pinadala sa kanya noong buwan ng Mayo.

MUP 2020 Rabiya Mateo, muling pinatunayan ang husay sa pagsagot sa mga tanong
Sarah Wurtzbach, inilabas ang mensahe ng ina sa kanya kaugnay sa kanyang aligasyon

Pia Wurtzbach (Photo by Richard James Mendoza/NurPhoto via Getty Images)
Source: Getty Images

Makikita sa nasabing screenshot na nagagalit ito dahil umano minura siya. Ang pagkagahasa niya umano ay nangyari dahil ginusto naman iyon ni Sarah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mensaheng ito ang tinutukoy ni Sarah na kanyang binabanggit na tila hinayaan lang daw ng kanyang ina ang nangyari sa kanya noong siya ay bata pa.

Sarah Wurtzbach, inilabas ang mensahe ng ina sa kanya kaugnay sa kanyang aligasyon

Screenshot from Sarah Wurtzbach's Instagram Story
Source: Instagram

Paliwanag naman ng ina ni Sarah sa kanyang video na nilabas, hindi niya alam na lumalabas ng dis-oras ng gabi ang anak dahil pumupuslit ito. Ito umano ang naging dahilan kung bakit siya nanggahasa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Super Tekla, ibinahagi ang kanyang reaksiyon sa mga mensahe ng mga tagahanga

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng saloobin ng kanyang kapatid na si Sarah nitong nakaraang buwan. Tinawag pa nitong Hudas ang ina sa isa sa mga social media posts niya.

Maging ang kasalukuyang boyfriend umano ni Pia na si Jeremy Jauncey ay lumapit sa kanya upang humingi ng tulong matapos magkaroon ng problema sa isa sa kanilang kliyente dahil umano sa ina nilang si Cheryl Tyndall.

POPULAR: Read more news about Pia Wurtzbach

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel