Xian Lim, ipinasilip ang kaniyang bahay sa kauna-unahang pagkakataon

Xian Lim, ipinasilip ang kaniyang bahay sa kauna-unahang pagkakataon

- Ibinahagi ni Xian Lim ang isang house tour vlog sa kaniyang tahanan sa loob ng sampung taon

- Dekada 80 umano nang ipatayo ang bahay at napagpasyahan ng aktor na huwag baguhin ang ilang bahagi ng bahay

- Pinataasan lamang umano nila ang kisame upang magmukhang mas malaki ang loob ng bahay

- Pinakita niya rin ang loob ng kanyang van kung saan lagi siyang namamalagi lalo na pag may taping

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ni Xian Lim ang kanyang tahanan sa loob ng sampung taon sa mga netizen. Ayon sa kanya, dekada '80 itinayo ang bahay at sampung taon na ang nakalipas simula nang lumipat sila doon.

Isa sa pinabago ng aktor sa nasabing bahay ay ang kisame. Pinataasan ito upang magmukhang maaliwalas at malaki ang loob ng kanilang bahay.

“Right when we moved in, ganito na siya. Wala siyang partition. Wala siyang anything. Ang major lang nabago sa bahay na ‘to was the high ceilings kasi dati isang palapag lang talaga siya. But when we moved in, we’re like ‘yeah taasan natin ang ceiling para mas spacious tingnan ‘yung lugar,” aniya.

Mga residenteng umakyat sa bubong ng bahay sa kasagsagan ng baha, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa mga desenyong dinagdag sa nasabing bahay ay ayon na rin sa kanyang pasya.

Xian Lim, ipinasilip ang kaniyang bahay sa kauna-unahang pagkakataon

Xian Lim with Kim Chiu, Sunshine Cruz and Ruffa Gutierrez (Photo by Josefiel Rivera/SOPA Images/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

Ibinahagi niya rin ang kanyang paboritong bahagi ng bahay.

“This is one of my favorite areas because nu’ng ginagawa ‘yung house [kasi] parang medyo may pagka-maze ang pagkaka-layout ng bahay. We decided na maglagay ng mga wallboard para cabin feels,” dagdag pa niya.

Kumpleto naman ang kanyang home gym equipment na matatagpuan sa tabi ng kanilang pool area.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Xian Lim o Alexander Xian Cruz Lim-Uy ay isang American-Filipino actor, filmmaker, model, singer, host, atprofessional basketball player. Ilan sa mga seryeng kanyang pinagbidahan ay My Binondo Girl, The Reunion, Ina, Kapatid, Anak, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, Bride for Rent, The Story of Us and Everything About Her.

Lalaking nagkakape sa labas habang bumabagyo, kinaaliwan ng netizens

Matatandaang Marami ang humanga sa aktor sa pagtupad nito sa dream room ng kanyang lola na na-operahan.

Ang kanyang lola ay nagkaroon ng cancer at kinailangan sumailalim sa operasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel