Angel Locsin, naiyak nang tanungin kung itutuloy pa rin ang ginagawang pagtulong

Angel Locsin, naiyak nang tanungin kung itutuloy pa rin ang ginagawang pagtulong

- Hindi napigilang maiyak ni Angel Locsin sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN broadcaster na si Henry Omaga-Diaz

- Naitanong sa kanya kung ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pagtulong sa mga nangangailangan kagaya ng lagi niyang ginagawa

- Aminado si Angel na nagdadalawang isip siya dahil nangangamba siya para sa taong kanyang tutulungan

_ Aniya, baka ma-red-tagged din ang mga taong kanyang pupuntahan kagaya ng nangyari sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging eosyonal si Angel Locsin sa isang panayam sa kanya ABS-CBN broadcaster Henry Omaga-Diaz kung saan naitanong sa kanya kung ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pagtulong sa mga tao lalo na ang mga nasalanta ng kalamidad.

Ito ay sa gitna ng isyu na kanyang kinakasangkutan ngayon matapos siyang iugnay bilang miyembro ng NPA.

Angel Locsin, naiyak nang tanungin kung itutuloy pa rin ang ginagawang pagtulong

Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

Ayon kay Angel, natatkot siya para sa taong kanyang pupuntahan dahil baka pati sila ay madamay at ma-red-tagged din.

Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Nagpasalamat ang aktres sa lahat ng tao na hindi nanghusga sa kanila.

"Malinaw naman po na may mga ebidensya kami sa mga bagay-bagay. Tulungan ninyo na lang po ako kung kaya po na ipa-clear ang mga pangalan namin, kami nila ate. Ma-clear lang po 'yung pangalan namin dito kasi nakakatakot po, mabigat naman po talaga 'yung mga nangyayari at siyempre wala naman po kaming ganong kalaking resources kagaya nila para protektekhan 'yung mga sarili namin di ba?" paglalahad ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nauna nang itinanggi ni Angel Locsin ang alegasyon na miyembro siya ng kahit anong terrorist group. Ipinagtanggol din niya ang kanyang kapatid na sinabing miyembro din umano ng NPA.

Kabit, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito

Maging si Kris Aquino ay napabilib sa tapang at paninindigan ni Angel para ipagtanggol ang kapatid.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel