Residenteng na-trap sa lagpas taong baha, nanawagan ng tulong

Residenteng na-trap sa lagpas taong baha, nanawagan ng tulong

- Patuloy pa rin ang pagsugod ng mga rescuers sa mga residenteng hindi makaalis sa kanilang bahay dahil sa baha

- Maraming lugar ang nakaranas ng flash floods kasunod ng malakas na ulan na dulot ng bagyong Rolly

- Isang residente ang humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media upang ma rescue na sila

- May kasama umano silang dalawang bata na nasa bubong na dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng saklolo ang Facebook user na si Eric Villar upang mapuntahan sila ng mga rescuers dahil sa lagpas taong baha sa kanilang lugar sa Tierra Verde, Pallocan West, Batangas City.

Ayon sa kanya may kasama siyang dalawang bata na kanyang mga pamangkin na nasa bubong ng kanilang bahay upang masiguro ang kaligtasan dahil sa tumataas na tubig baha.

Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din niya ang litrato na kuha sa loob ng kanilang bahay kung saan makikitang lumulutang ang kanilang kagamitan sa tubig baha.

Help us here Tierra Verde subd. May 2 bata lang kami. Please 09501984476.Hanggang leeg na po sa labas ang tubig.

Sa isang live video ibinahagi ni Villar na umabot na ng lagpas tao ang lalim ng tubig sa labas ng bahay nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala, sa pinakahuling post na ibinahagi, unti-unti nang bumaba ang lebel ng tubig at nailigtas na rin umano ang mga bata.

Residenteng na-trap sa lagpas taong baha, nanawagan ng tulong

Filipino weatherman (Photo by Edwin Tuyay/Bloomberg via Getty Images)
Source: Getty Images

Matatandaang inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tuluyan nang naging super typhoon ang bagyong Rolly alas 2 ng madaling araw ng Linggo, November 1, 2020.

Hagupit ni super typhoon Rolly, hagip sa ilang video na ibinahagi ng mga netizens

Itinaas sa Storm signal no. 5 ang Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay. Nakuhanan naman sa mga video na ibinahagi sa social media ang tindi ng hagupit ng bagyong Rolly lalo na sa Bicol Region.

Ang Metro Manila at iba pang karatig lalawigan naman ay isinailalim sa signal number 4.

Bago pa man ibaba ng PAGASA ang anunsiyong ito, itinuring ang naturang bagyo bilang pinakamalakas na tumama sa mundo ngayong taong 2020. Inaasahang lilisanin ng bagyong Rolly ang Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes, November 3.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel