Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

- Marami ang kinilig sa birthday message na ibinahagi ni Julia Montes para kay Coco Martin

- Wala mang ginamit na salita, marami naman ang kinilig sa ginamit na emoji ng aktres para ibahagi ang mensahe nito

- Kabilang sa kanyang ginamit na emoji ay gift, heart at cake kalakip ng litrato ng aktor na nakatawa habang hawak ang isdang nabingwit

- Wala mang pag-amin mula sa magkabilang panig, marami sa mga tagasuporta ng dalawa ang kinilig sa pagbating ito ni Julia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilig to the max ang epekto ng birthday greetings ni Julia Montes para sa kaarawan ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin. Ang "CocoJul" fans ang ilan lamang sa pinaka natuwa sa simple ngunit makahulugang pagbati ng aktres.

Kabilang sa kanyang ginamit na emoji ay gift, heart at cake kalakip ng litrato ng aktor na nakatawa habang hawak ang isdang nabingwit.

Ryza Cenon nanganak na sa panganay nila ng nobyong si Miguel Cruz

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

Coco Martin (Photo by Sean Gallup/Getty Images)
Source: Getty Images

Bumuhos din ang pagbati mula sa mga kasamahan nila sa showbiz kagaya nina Isabel Oli, Iza Calzado, Karen Reyes, Lorna Tolentino, Dimples Romana, Vina Morales, Melissa Ricks at marami pang iba.

Hindi man umaamin sa kanilang relasyon, hindi mamatay matay ang usap-usapang magkarelasyon sila at hindi lamang nila ito isinasapubliko.

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang pagkakahawig ng Instagram post ni Julia sa Instagram Story ng kapatid ni Coco Martin na si Ryan Nacianceno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na Goin' Bulilit. Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng Mara Clara, Asintado at Doble Kara.

Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon. Kamakailan ay todo-suporta din ito sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tunkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel