Makagwapo, naging emosyonal sa huling paghaharap nila ni Makaganda sa barangay

Makagwapo, naging emosyonal sa huling paghaharap nila ni Makaganda sa barangay

- Ibinahagi na ng 'Raffy Tulfo in Action' ang huling pag-uusap nina Christian Merchk Grey at dating nobya nitong si Caffey Namindang

- Nagkaharap na sila sa barangay upang mapaghatian ang kanilang kita at ari-arian

- Sa kabila ng hiwalayang naganap, aminado si 'Makagwapo' na mahal pa rin ang dating nobya at 'di pa raw nagsasara ang pinto niya sa posibilidad na sila ay magkabalikan

- Nagpasalamat naman si Caffey kay Raffy Tulfo sa tulong na ginawa nito sa kanya at nilinaw na hindi na umano niya itutuloy ang kaso laban sa dating kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makagwapo, naging emosyonal sa huling pag-uusap nila ni Makaganda sa barangay

Photo: Raffy Tulfo's Instagram
Source: Instagram

Naging emosyonal si Christian Merck Grey o mas kilala bilang si "Makagwapo" sa huling pagkikita nila ng dating nobya na si Caffey Namindang na kilala rin bilang "Makaganda."

Nalaman ng KAMI na nagharap na ang dalawa sa barangay upang mapaghatian ang kanilang kita na hinihiling ni Caffey gayundin ang kanilang mga ari-ariang naipundar.

Mister, di na tinanggap ang nangangaliwang misis na nais pa ring bumalik sa kanya

Ibinagi ng programang Raffy Tulfo in Action ang mga kaganapan sa paghaharap ng dalawa kung saan kasama rin nila ang kani-kanilang mga magulang bilang saksi.

Sa pamamaalam, nagbigay ang bawat panig ng mensahe sa isa't isa. Sinabi ni Caffey na mas mainam na maging magkaibigan pa rin naman sila lalo na at sila naman ay mayroon pa ring pinagsamahan.

Subalit si "Makagwapo" ay aminadong mahal pa rin ang dating kasintahan at di raw niya munang kayang makipagkaibigan kay "Makaganda."

"Ayaw kong maging magkaibigan kasi, ang sakit sa 'king isipin na yung taong mahal mo magiging kaibigan mo na lang," paliwanag ni Makagwapo.

Hindi pa rin umano niya isinasara ang pinto ng pagkakataong sila ay muli pang magkabalikan.

Lalo na at pareho nilang nabanggit na kanila pa ring itutuloy ang pagpunta sa Canada sa pagbabakasakaling magkaroon ng magandang oportunidad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Haponesa, dumulog kay Tulfo para masingil ang P150,000 na pinahiram sa Pinoy ex-BF

Iyon nga lang, gagawin na nila ito ng hiwalay.

Paglilinaw din ng lalaki na kahit pa aminado silang scripted ang karamihan ng kanilang vlog ay totoo naman ang nangyaring proposal dahil balak naman niya talagang pakasalan noon si Caffey.

Matapos na maghatian sa mga kita at ari-arian, nagyakap ang dalawa sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Nagkapirmahan na rin sila sa barangay upang pormal na tapusin na ang insidente.

Mula barangay ay sinamahan na ng staff ni Raffy Tulfo si Caffey upang makuha na ang mga gamit nito sa bahay nila ni Merck.

Nagpasalamat din si Caffey kay Raffy Tulfo na nagbigay tulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Nilinaw din niyang dahil sa nakuha na niya ang dapat niyang makuha ay di na niya itutuloy pa ang kaso.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

Sina Christian Merck Grey at Caffey Namindang o mas kilala bilang sina "Makagwapo at Makaganda" ay mga YouTube vloggers.

Unang nag-vlog si Makagwapo ngunit kalaunan ay kasama na rin niya ang nobya sa kanyang mga videos.

Nagsimula ang kanilang di pagkakaunawaan nang hindi umuwi ang lalaki sa kanilang tirahan noon ni Makaganda sa di umano'y pagsama nito sa ibang babae.

Humingi na ng tulong si Makaganda sa Raffy Tulfo in Action lalo na at hindi lamang iyon ang naging problema nila ni Makagwapo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel