Ryza Cenon, nanganak na sa kanyang unang baby

Ryza Cenon, nanganak na sa kanyang unang baby

- Masayang ibinahagi ni Ryza Cenon na nakapanganak na siya sa kanyang panganay

- Ipinanganak ni Ryza ang baby nila ng nobyong si Miguel Antonio Cruz sa St. Lukes Hospital nito lamang October 31

- Sa kanyang ibinahaging litrato, hindi pa pinakita ni Ryza ang mukha ng kanilang Baby Night

- Ayon pa sa aktres, sulit naman daw ang lahat ng hirap at sakit matapos niyang masilayan ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Ryza Cenon na nakapanganak na siya sa panganay nila ng nobyong si Miguel Antonio Cruz. Isinilang ng aktres si Baby Night kahapon, October 31, sa St. Luke's Hospital.

Ryza Cenon, nanganak na sa kanyang unang baby

Ryza Cenon (Photo from iamryzacenon/Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa aktres, hindi naging madala ang kanyang pinagdaanan ngunit sulit naman ang lahat ng sakripisyo niya nang masilayan na ang anak.

Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!

Matatandaang isinapubliko ni Ryza ang tungkol sa kanyang pagdadalangtao nitong April 9, 2020 at limang buwan na ang kanyang pinagbubuntis.

Julia Montes, nagbahagi ng nakakakilig na birthday message para kay Coco Martin

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati para sa bagong mommy mula sa mga netizens at sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilan sa mga personalidad na nagdiriwang ng kanilang kaarawan tuwing huling araw ng Oktobre ay sina Christopher de Leon, Tessie Tomas, at si Nadine Lustre.

Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7.

Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.

Dahil sa kanyang kontrabida role sa The Generel's Daughter, nagkaroon siya ng mga bashers. Hindi pinalampas ng aktres ang mga hate messages na kanyang natanggap mula sa mga bashers.

Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

Hindi naman nagpatinag ang aktres at naghayag ng kanyang saloobin upang magbigay ng suporta sa ABS-CBN ito ay naipasara.

Aniya, ang pagpapasara ng ABS-CBN ay nagpapakita lamang ng tunay na kulay ng mga namumuno sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel