Tekla, pinayuhan ang kapatid ng dating live-in partner na magtrabaho

Tekla, pinayuhan ang kapatid ng dating live-in partner na magtrabaho

- Sa Part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Super Tekla, nabanggit ng komedyante ang maipapayo niya sa kapatid ng dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag

- Isa kasi ito sa mga naglabas ng saloobin laban sa komedyante at tumestigo na di umano sila pinakakain ni Tekla kung hindi ito napaburan ng live-in partner

- Pinayuhan niyang magbanat ang mga ito ng buto upang maunawaan ang kanyang saloobin

- Nagkaroon na ng kasunduan ang komedyante at ang live-in partner nito na pawang patungkol na lamang sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tekla, pinayuhan ang kapatid ng dating live-in partner na magtrabaho

Photo: Super Teklah Librada's Facebook
Source: Facebook

Hayagang pinayuhan ng komedyanteng si Super Tekla na nararapat lamang na magtrabaho na ang kapatid ng dating live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag.

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy na kapatid ay si Ashley na gumagawa na rin ng ingay sa social media bilang si Ahley Makyuut.

Tekla to Michelle Bana-ag: "If you really love me, you have to prove yourself"

Ayon sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Tekla, natanong nito kung ano ang masasabi ng komedyante sa kapatid ni Michelle na nagpatunay di umanon na hindi sila pinakakain hangga't di nito nasusunod ang nais ni Tekla.

"Ang message ko lang, magtrabaho kayo, magbanat kayo ng buto para malaman niyo kung ano ang halaga at sakripisyo para maramdaman niyo,"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Magtrabaho kayo, magsikap kayo, magbanat kayo ng buto, 'yun yung sagot sa nararamdaman ko, para maintindihan niyo ako kung ano man yung ano, wala na yan," ang diretsong sagot ni Tekla.

Nakiusap pa rin muli siya sa publiko na huwag nang tuligsain pa ang pamilya ni Michelle na nahihirapan din umano sa sitwasyon.

Sinabi rin ni Tekla na kaya sila nag-usap ay upang matapos na ang isyu lalo na at maraming bagay na ang naaapektuhan.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Narito ang kabuuan ng Part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Super Tekla:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang araw din na nakapanayam ni Raffy Tulfo ang dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag dahil sa reklamo nito laban sa komedyante.

Agad naman dumipensa ang mga taong higit na nakakikilala kay Tekla tulad ng kanyang unang live-in partner na kanyang pinasalamatan sa pagtatanggol sa kanya.

Isa rin dito ang panganay ni Tekla na labis niyang ipinagmamalaki dahil sa pagtatanggol sa kanya nito sa kanyang mga bashers online.

Si Super Tekla ay isang komedyante ng GMA 7. Bahagi siya ng programang The Boobay And Tekla Show. Nakasama rin siya sa Wowowin bilang isa sa mga co-host ni Willie Revillame. Doon na rin niya nakasama si Donita Rose at ngayon, mayroon na silang sariling YouTube channel, ang "Donekla in Tandem.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel