Bukingan time! Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

Bukingan time! Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

- Sumabak ang tambalang Donekla sa "Sino ang Mas Challenge" sa isang video na ibinahagi sa YouTube

- Hindi napigilan ng dalawa na ibuking ang isa't-isa sa mga tanong na ibinato sa kanila

- Napuno naman ng tawanan ang nasabing video kung saan bumida ang likas na pagpapatawa nila Donita Nose at Super Tekla

- Patuloy naman na dumarami ang sumusuporta sa dalawa at umabot na sa 2 milyon ang subscribers sa kanilang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkabukingan ang magkaibigang Donita Nose at Super Tekla nang sumabak sila sa "Sino ang Mas Challenge" sa YouTube Channel na Wiwin Vlogs. Sa nasabing challenge, sasabihin nina Tekla at Donita kung sino sa kanilang dalawa ang tinutukoy sa bawat katangiang babanggitin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

Bilang kilala sa kanilang husay sa pagpapatawa, maging ang dalawang kasama sa nasabing video ay hindi mapigilan ang paghagalpak sa tawa tuwing bumabanat ang dalawa ng kanilang mga hirit.

Bukingan time! Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

Photo from Donekla Facebook Page
Source: Facebook

Ilan sa mga naitanong sa kanilang dalawa ay kung sino ang mas matakaw, mas antukin, mas matalino, mas kuripot, mas matatakutin, mas tamad maligo, mas kuripot, mas nakakatawa, mas habulin, mas mainitin ang ulo at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle. Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Gayunpaman, binawi niya rin ito sa kabila nang panghahamon niyang ituloy ang nakatakdang tests para mapatunayan umano na totoo ang kanyang sinasabi. Dahil dito, umataras si Raffy Tulfo sa pagtulong sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel