Super Tekla, ibinahagi ang kanyang reaksiyon sa mga mensahe ng mga tagahanga

Super Tekla, ibinahagi ang kanyang reaksiyon sa mga mensahe ng mga tagahanga

- Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang naging sigalot sa pagitan nila ng dating karelasyon, muling nagbahagi ng video si Tekla sa kanyang YouTube channel

- Pinamagatan niya ang kanyang video na "My Humble Beginning" na tumutukoy sa muli niyang pagsisimula matapos ang gulo

- Dito ay binasa ni Tekla ang mga mensahe ng mga fans niya at tagasuporta para sa kanya

- Matatandaang matapos pumutok ang balita tungkol sa pagrereklamo ng dating karelasyon na si Michelle, nahinto na sa paggawa ng video para sa sariling channel si Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng dating karelasyon na si Michelle Bana-ag, muling nagbahagi ng video si Super Tekla sa kanyang YouTube Channel.

Pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanya matapos ang pinagdaanang kahihiyan dahil sa mga isiniwalat ni Michelle na ina ng kanyang pangalawang anak.

Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"
Super Tekla, ibinahagi ang kanyang reaksiyon sa mga mensahe ng mga tagahanga

Screenshot from Super Tekla's vlog
Source: UGC

Isa-isang binasa ni Tekla ang mga komento mula sa mga netizens at sinagot niya isa-isa ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila punong-puno ng panibagong pag-asa ang komedyante habang binabasa ang mga mensahe ng kanyang mga tagahanga.

Ilan sa mga tagasuporta niya ay humanga sa kanyang katatagan at sa pagiging mapagmahal sa kabila ng ginawa sa kanya ng dating karelasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilang komento ng kangyang mga tagahanga.

Be strong and take courage Tekla, move on learn from the past and be wise. Never loose hope, keep praying, may the good Lord give the right girl for you; the girl who will bring the best in you, who will truly love you, take care of you and your earnings, and look forward of spending the rest of her life with you, til death do you part. God bless!
Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers
You’re such a very kind hearted person with a very humble soul. The way you talk you really are. You deserve someone who will love you the way how you purely love. This is just a beginning of much more brighter days for you Tekla. Soar high
Happy to see you moving forward. we love you so much and be strong. praying all the best for you. be always a blessing. stay safe, God bless.

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante.

Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle. Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

Gayunpaman, binawi niya rin ito sa kabila nang panghahamon niyang ituloy ang nakatakdang tests para mapatunayan umano na totoo ang kanyang sinasabi. Dahil dito, umataras si Raffy Tulfo sa pagtulong sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel