Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

- Natulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang isang bulag na namamalimos na nagawang pagtripan at pagtangkaang nakawan

- Ang masaklap pa sa nangyari, kakilala niya ang gumawa sa kanya ng kamalian na pinagbabayaran ng taong iyon sa kulungan

- Kasama na ngayon ng bulag ang kanyang mga anak na siyang mangangalaga na sa kanya

- Pinagkalooban na rin sila ni Raffy Tulfo ng sari-sari store upang di na bumalik pa sa pamamalimos ang bulag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bulag na sinaktan at tinangkaang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Isa na ngayong ganap na negosyante si Lito Fuentes, ang bulag na namamalimos na natulungan ng programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na si Lito ay biktima ng panloloko umano ng kinasama ng kanyang kapatid na pinagtangkaan siyang nakawan ng naipalimos niya.

Subalit nang walang mapala kay Lito sinadyang itulak ito sa may kanal dahilan para siya ay magtamo ng sugat at bali sa katawan.

Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

Mabuti na lamang at mayroong nagmalasakit sa kanya at nakakita sa buong pangyayari kaya siya ay natulungan.

Agad naman nadampot ng kinauukulan ang babaeng gumawa nito sa kanya at kasalukuyan nang nakakulong.

Samantala, nasa maayos naman nang kalagayan ngayon si Lito. Katunayan, kasama na niya ang kanyang dalawang anak na babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento ng mga ito, sadyang madiskarte pa rin ang kanilang ama sa kabila ng kanyang kapansanan.

Ang isang anak niya ay nabigyan pa niya ng tricycle na siyang nagagamit ng mga ito sa ngayon at ang perang ibinigay ni Lito para makabili nito ay mula lamang sa panlilimos.

Dahil sa nangyari, nagkaroon na ng dahilan ang magkapatid na kunin nang tuluyan ang amang nahihiya pang pumisan noon sa kaniila dahil mayroon na silang kanya-kanyang pamilya.

At bilang tulong ni Raffy Tulfo, pinatayuan niya ng sari-sari store si Lito at kanyang mga anak upang hindi na muling bumalik sa pamamalimos ang ama.

Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

Labis na nagpapasalamat si Lito at ang kanyang pamilya sa tulong at biyayang handog sa kanila ng kanilang 'Idol Raffy.'

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo bilang isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Napalapit lalo ang puso niya sa publiko dahil sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' kung saan nagsisilbi siyang sumbungan ng mga naapi.

Dahil dito, umabot sa halos 17 million ang kanyang subscribers sa YouTube dahil na rin sa agaran niyang pag-aksyon sa mga humihingi ng tulong sa kanyang programa at sa tiwalang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel