Online newspaper, humingi ng dispensa kay MUP 2nd runner-up Michele Gumabao

Online newspaper, humingi ng dispensa kay MUP 2nd runner-up Michele Gumabao

- Naglabas ng apology ang online newspaper na Inquirer.net para kay 2nd runner-up Michele Gumabao

- Ito ay kaugnay sa isang social media post na kanilang nilabas na ngayon ay burado na

- Maraming netizen ang umalma sa nasabing post dahil sa paggamit ng salitang borta bilang paglalarawan kay Michele

- Ang salitang borta ay ginagamit sa gay linggo para sa mga maskuladong kalalakihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng dispensa ang Inquirer.net kay Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao bunsod ng isang social media post ng nasabing online newspaper.

Matatandaang marami ang umalma sa nasabing post dahil sa pagtawag nila kay Michele na borta na nangangahulugang maskuladong lalaki sa gay linggo.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Michele hinggil sa isyu.

Online newspaper, humingi ng dispensa kay MUP 2nd runner-up Michele Gumabao

Michele Gumabao (Photo from gumabaomichele/Instagram)
Source: Instagram

Gayunpaman, sa statement na inilabas ng Inquirer, bukod sa pagbura ng nasabing social media post, sinusuri din nila ang kanilang sistema upang maiwasan na ang pagkakamaling kagaya sa nangyari.

MUP 2020 Rabiya Mateo, muling pinatunayan ang husay sa pagsagot sa mga tanong
Online newspaper, humingi ng dispensa kay MUP 2nd runner-up Michele Gumabao

Online newspaper, humingi ng dispensa kay MUP 2nd runner-up Michele Gumabao
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging kontrobersiyal si Michele dahil sa pag-alis nito sa viewing party ng MUP 2020 at hindi pagdalo sa presscon para sa top 5 finalist kung saan kabilang siya bilang 2nd runner-up.

Paliwanag ng beauty queen, hindi niya kinaya ang pagtatanong ng mga kasamahan tungkol sa naging dahilan ng hindi niya pagkapanalo.

Gayunpaman, dumalo si Michele sa kauna-unahang event ng Miss Universe Philippines 2020 kasama ang apat pang mga finalists na sina Kimberly Hakenson ng Cavite, Pauline Amelinckx ng Bohol, Rabiya Mateo ng Iloilo City at Maria Ysabella Ysmael na kumatawan sa Parañaque City.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michele Gumabao ay kumatawan sa Quezon City. Naging matunog ang kanyang pangalan dahil isa siyang kilalang volleyball player at dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Residenteng na-trap sa lagpas taong baha, nanawagan ng tulong

Matatandaang palaban na sinagot ni Michele ang mga bashers na nagkomento tungkol sa kanyang figure.

Bukod kay Michele, maging si Vicki Rushton na dating PBB housemate ay sumali din sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel