Rabiya Mateo, maraming ibinuking tungkol sa sarili sa ginawa sa kanyang 'Fast Talk'

Rabiya Mateo, maraming ibinuking tungkol sa sarili sa ginawa sa kanyang 'Fast Talk'

- Mas lalong nakilala ng publiko ang bagong Miss Universe Philippnes 2020 na si Rabiya Mateo nang magpaunlak siya sa isang 'Fast Talk'

-Doon din napag-alaman ang iba pang detalye ng buhay ni Rabiya mapa-love life man ito o maging ang hilig niya sa pagkain sa mga buffet

- Nabanggit din niyang muli ang pagkakaroon na niya ng boyfriend na 'sexiestman alive' daw para sa kanya

- Pinasalamatan niyang muli ang lahat ng mga sumuporta sa kanya hanggang sa makuha nga niya ang korona at maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rabiya Mateo, maraming ibinuking tungkol sa sarili sa ginawa sa kanyang 'Fast Talk'

Photo: Rabiya Mateo's Instagram
Source: Instagram

Game na game na sumagot ang pinakabagong Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa isang 'Fast Talk' na isinagawa sa kanya.

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak si Rabiya ng isang interview kay Aira Igarta.

Doon, tila nabisto ni Rabiya ang sarili dahil sa mga tanong na mabilisan niyang sinagot.

Makagwapo, naging emosyonal sa huling paghaharap nila ni Makaganda sa barangay

Nabanggit niyang mas pipiliin niya ang lalaking 'pangit subalit maganda ang ugali' kaysa sa lalaking 'gwapo subalit may pagka-bastos'. "Doon tayo sa mabait!" pahayag ni Rabiya.

Ipinagmamalaki raw niya ang kanyang adobo dahil masasabi niyang masarap siyang magluto nito at ito raw ang ihahain niya sakaling bigyan siya ng pagkakataong ipagluto ang presidente.

Kung papipiliin daw siya sa kung ano ang mas gusto niyang panoorin sa 'BL series' o Koreanovela, mas pinili niya ng BL series dahil mahal daw niya ang LGBT community.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At nang tanungin naman kung ano ang "craziest thing" na ginawa niya para sa pag-ibig, tumakas daw siya sa nanay niya isang gabi.

Hayagan din niyang sinabi na ang kanyang nobyo na si Neil Salvacion ang pinaka-sexy na lalaki para sa kanya.

Matatandaang sa isang interview ni Rabiya, nabanggit na niya ang tungkol sa boyfriend na anim na taon na niyang karelasyon.

Ivana Alawi, ipinagdasal ang 'babaeng' nagparamdam sa opisina ni Raffy Tulfo

Narito ang kabuuang ng mabilisang interview kay Rabiya mula sa YouTube Channel ni Aira Igarta:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rabiya Mateo ang pambato ng bansa para sa Miss Universe 2020. Isa siyang Ilongga beauty at may lahi rin umano siyang Indian.

Kamakailan ay nag-viral ang mga larawan ni Rabiya noong siya ay nag-aaral pa lamang. Bagaman at umani ito ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens, binigyan pa rin niya ng positibong pananaw ang mga komentong natanggap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel