Julia Barretto, suportado ng fans kasunod ng pagkabanggit ni Kim Chiu sa kanya

Julia Barretto, suportado ng fans kasunod ng pagkabanggit ni Kim Chiu sa kanya

- Naging usap-usapan si Julia Barretto nitong nakaraang mga araw nang muling mapag-usapan ang umano'y uganayan nila ni Gerald Anderson

- Kasunod ito ng di sinasadyang pagkakabanggit ni Kim Chiu sa kanyang pangalan habang naglalaro bilang Tumpak Tracet sa Mas Testing segment ng It's Showtime

- Bilang funishment kay Kim, kinailangan niyang mag like sa ilang Instagram post ng kanyang ex boyfriend na si Gerald Anderson

- Matapos ang ilang araw ay bumuhos ang suporta ng mga fans ni Julia sa comment section ng kanyang Instagram post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga manonood si Kim Chiu matapos niyang maglaro bilang Tumpak Tracer sa Mas Testing segment ng It's Showtime nitong Miyerkules.

Dahil nabigo siyang piliin ang tamang choice, isang nakakaaliw ng funishment ang pinagawa sa kanya.

Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media

Nautusan siyang i-like ang limang IG posts ni Gerald na kanyang ikinabigla.

Gayunpaman, ginawa pa rin niya ang pinapagawa sa kanya at sabay nagpaliwanag sa nobyong si Xian Lim na game lamang iyon.

Habang hinahanap niya ang IG page ni Gerald, hirit ni Kim, “bakit n’yo naman isasali ‘yung taong ‘to, nananahimik na kami, ah. Isang dekada na ang nakalipas.”

Matapos niyang i-like ang ilang mga pictures, biglang nag-comment si Kim na, “tapos, pagbukas mo dito, nandito si Julia Barretto!” sabay-tawa.

“Ay, si Bea Alonzo pala," biglang nasabi niya bilang pagbawi sa kanyang naunang nasabi.

Kaya naman, hindi maiwasang maikonekta ng ilang netizens ang post ni Julia Barretto na umano'y tila tugon sa pagkakabanggit sa pangalan niya.

“Out here minding my own business.”

Ito ang nakalagay sa caption ng post ni Julia kalakip ng kanyang dalawang litrato. Kapansin-pansin naman na burado na ang nasabing caption.

Julia Barretto, suportado ng fans kasunod ng pagkabanggit ni Kim Chiu sa kanya

Julia Barretto, suportado ng fans kasunod ng pagkabanggit ni Kim Chiu sa kanya
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'Makagwapo', ibinahagi sa social media ang umano'y ebidensiya laban kay 'Makaganda'
Julia Barretto, suportado ng fans kasunod ng pagkabanggit ni Kim Chiu sa kanya

Julia Barretto (Photo from flickr.com/photos/tillyholland/14344784095)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Bumuhos naman ang suporta ng fans ni Julia sa comment section ng nasabing post.

Stay unbothered queen!
Yas queen! I love the subtle shade, though!
Enjoy Juls! Ganyan talaga pag maganda tayo. Happy lovelife at blessed with family pa.

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa Abs-cbn. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula. Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, and Vince and Kath and James.

Sa kabila ng pang-iintriga kina Julia at Gerald, hindi nagpatinag ang aktres at ipinakita ang kanyang suporta sa pagpromote ng beach resort ng aktor sa Zambales.

Vice Ganda, naitulak si Kim Chiu matapos siyang takutin nito

Hindi din ito nagpatinag kay Jay Sonza na nagpakalat ng balitang buntis umano siya kay Gerald. Nagsampa siya ng kaso laban sa dating broadcast journalist.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel