Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

- Sapul sa video ang pagsugod ng misis sa lungga ng kabit kung saan naaktuhan niyang naroon ang mister

- Nagpaalam daw sa kanya ang asawa na magda-drive na para sa shuttle bus ng frontliners subalit pumunta lamang pala ito sa bahay ng kanyang babae

- Galit na galit ang misis lalo na at nagawa pa umanong humiram sa kanya ng mister ng isang libo na dapat daw ay pambayad na niya ng kanilang kuryente

- Desidido na agad ang misis na kasuhan ang asawa na nagawa siyang lokohin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

Photo: Raffy Tulfo's Instagram
Source: Instagram

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang misis na si Cinderella Lubigan upang ireklamo ang mister na nahuli na nasa bahay mismo ng kabit nito.

Nalaman ng KAMI na nagpaalam lamang ang mister na magda-drive na muli siya ng shuttle service ng mga frontliners sa kanilang lugar.

Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

Subalit may nakapagsabi kay Cinderella na dumiretso lamang ang asawa nito sa kabit niyang si Veronica Mojica.

Kitang-kita sa video ang pangongompronta ni Cinderella sa kanyang asawa na nakasuot pambahay pa si umano habang kasama ang kabit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Paglilinaw ni Veronica, kakapunta lamang daw doon ng lalaki at hindi naman daw iyon "napipirmi" sa kanyang pudar.

Dumagdag pa sa galit ng misis ang pagnhihiram ng asawa niya ng isang libong piso na ang duda niya ay binigay lamang sa kabit nito.

Ayon naman Veronica, ang lalaki raw ang pilit na pumupunta sa kanya kahit na pilit na niya itong pinauuwi sa asawa nito.

Bagaman at dumiretso na raw si Cinderella sa Police Station, hindi pa rin daw ganoon kabigat ang ebidensya nito kaya di agad na nadakip ang kanyang mister.

Subalit hindi nagbago ang isip ng misis kaya nagpasaklolo na ito kay Tulfo upang tuluyan nang makasuhan ang kanya mismong asawa.

Mister, di na tinanggap ang nangangaliwang misis na nais pa ring bumalik sa kanya

Narito ang kabuuan ng video mula sa 'Raffy Tulfo in Action' YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala sa public service si Raffy Tulfo na nagsisilbi na ring sumbungan ng mga naaapi nating mga kababayan sa programa niyang Wanted sa Radyo kasama si Sharee Roman.

Bukod dito, mayroon pa rin siyang dalawang programa sa TV5, ang One Balita Pilipinas sa umaga at sa hapon naman ay ang Frontline Pilipinas. Patunay lamang ito na isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa si Tulfo na kilala rin sa tawag na "Idol Raffy."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel