Babae, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito

Babae, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito

- Hindi lang napaiyak kundi napaluhod pa ang babae habang nagmamakaawa sa misis ng kanyang kinasama

- Nagharap na sa barangay ang misis na buntis, mister at ibang babae nito subalit hindi nagbago ang desisyon ng misis sa nais niyang mangyari sa dalawa

- Maging ang ina ng sinasabing babae ng mister ay nagmakaawa na rin sa misis na huwag na itong ipakulong lalo na at single mother pa ang babae

- Itutuloy ng misis ang pagsasampa ng kaso sa dalawa at handa naman daw siyang buhayin ang kanyang mga anak na mag-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabit, napaluhod sa pagmamakaawa sa misis na ipakukulong na siya at mister nito
Photo from Wikipedia Commons
Source: UGC

Desidido at hindi nagbago ang isip ng misis na si Josnel Cordova laban sa mister nitong si Generson Cordova at sa di umano'y naging babae nito na si Danica Casilag.

Si Josnel ay dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo matapos na mahuli niya sina Generson at Danica na magkasama sa tinutuluyan ng babae.

Read also

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

Nalaman ng KAMI na kaya labis na masakit kay Josnel ang pangloloko sa kanya ng asawa ay dahil nakatrabaho niya ang babae nito.

Masasabing naituring pa niya itong kaibigan dahil minsan na ring napagkwentuhan si Danica ng kanyang mga hinanakit tungkol sa mister.

Sa bagong episode ng 'Wanted sa Radyo', nagkaharap na ang tatlo maging ang kanilang mga magulang.

Ayon kay Danica, tuluyan na niyang hiniwalayan si Generson lalo na at iniwan naman daw siya nito sa ere. Magpapakalayo na lamang daw siya sa San Pablo upang makapagsimula ng bagong buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit hindi ito tinanggap ni Josnel at ipinamukha pa rin nito ang pagkakamaling nagawa lalo na at kasama niya ito dati sa trabaho.

Dahil dito, lumuhod pa si Danica sa pagmamakaawa upang patawarin siya ni Josnel at huwag na silang kasuhan.

Read also

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

Maging ang ina ni Danica ay napaluhod na rin at nagmakaawa kay Josnel lalo na at may anak din si Danica na binubuhay.

Subalit nagmatigas si Josnel at buo na ang desisyon nitong kasuhan ang dalawang nagkasala sa kanya.

Narito ang kabuaan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay isa ring misis ang natulungan ni Raffy Tulfo sa pagbibigay aksyon laban sa mister nitong di umano'y nangaliwa.

Tulad ni Josnel, kinasuhan din ng misis ang kanyang asawa na nagawa pa umanong manghiram sa kanya ng pera bago ito umalis papunta sa sinasabing babae nito.

Si Raffy Tulfo ay isang batikang broadcast journalist sa bansa na mas lalong nakilala dahil sa programa niyang 'Wanted sa Radyo.' Dito, marami na siyang mga kababayan nating naaapi ang kanyang natulungan at agad na naaksyunan ang kanilang mga sumbong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel