Tim Sawyer, nabanggit ang pagpapa-Tulfo sa kanya ni China Roces sa bagong video

Tim Sawyer, nabanggit ang pagpapa-Tulfo sa kanya ni China Roces sa bagong video

- Mabilis na nag-viral ang makulit na video ng vlogger couple na sina Tim Sawyer at China Roces

- Makikita sa video na tila naka-move on na sila pangyayaring muntik nang maging mitsa ng kanilang pagsasama

- Nagagawa na rin kasi nilang gawing biro na lamang ang minsan na pagpapa-Tulfo ni China kay Tim dahil sa di pagkakaunawaan na kalaunan ay naayos naman

- Kitang-kita sa video ang kanilang sweetness at sagot pa ni Tim ang pagpapaganda ni China nang araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tim Sawyer, nabanggit ang pagpapa-Tulfo sa kanya ni China Roces sa bagong video

Photo from China Roces' Facebook
Source: Facebook

Balik sa kulitan ang vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer na kapansin-pansin sa pinakabago nilang video.

Nalaman ng KAMI na mabilis na nag-viral ang video ilang oras matapos na ma-upload ito sa Facebook page ni Tim.

Sa video, makikitang nasa isang skin care center ang dalawa kung saan sagot daw ni Tim ang mga pagpapaganda ni China sa araw na iyon.

Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

Biro tuloy ni China, na baka natatabaan at napapangitan na si Tim sa kanya kaya siya dinala roon. Ngunit paglalambing naman ng kanyang partner na nais lamang niya itong gumanda lalo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanilang pagkukulitan, nabanggit pa ni Tim ang naganap na pagpapa-Tulfo ni China sa kanya halos dalawang buwan na ang nakararaan.

"Baka ireklamo mo na naman ako ulit e... Natatakot ka, baka mapa-live ka na naman ulit?" ang pabirong sabi ni Tim na ikinatuwa naman ni China.

Tila marami sa kanilang followers ang natuwa sa muling pagkakaayos ng dalawa na litaw na litaw naman sa natural na kulitan nila sa video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang minsan ngang naireklamo ni China si Tim sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa umano'y pagtatago nito ng kita na dapat ay napapaghatian nila.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Inakusahan din ni China si Tim na nambababae umano na nabanggit din nito sa isang live video.

Subalit matapos ang ilang pag-uusap sa programa ni Tulfo, napag-ayos din sila ng host.

Sina China Roces at Tim Sawyer ay pawang mga content creator at kilalang vlogger sa bansa. Bago pa makasama ni Tim si China sa mundo ng pagba-vlog, una muna itong nakilala bilang FHM model.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel