Tekla to Michelle Bana-ag: "If you really love me, you have to prove yourself"

Tekla to Michelle Bana-ag: "If you really love me, you have to prove yourself"

- Sa huling bahagi ng naging panayam ni Ogie Diaz kay Super Tekla, nasabi nitong tila binibigyan pa talaga niya ng pagkakataon si Michelle Bana-ag sa kanilang relasyon

- Tinanong siya ni Ogie kung sakaling bumalik muli si Michelle sa kanya, sinabi ni Teklang kailangan munang patunayan ng dating live-in partner ang kanyang sarili

- Sa mga naunang panayam, nabanggit din nitong sinubukan niyang kunin ang kanyang mag-ina lalo na si Baby Angelo ngunit di pumayag si Michelle

- Hiling pa rin ni Tekla na tigilan na ang pagba-bash kay Michelle maging sa pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tekla to Michelle Bana-ag: "If you really love me, you have to prove yourself"

Photo from Ogie Diaz's YouTube Channel
Source: UGC

Inamin ni Super Tekla na hindi pa tuluyang nagsasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na bumalik ang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Nalaman ng KAMI na bagaman at ban na ito sa condominium na tinutuluyan ni Tekla, sinabi ng komedyante na nabigyan pa rin niya ng pagkakataong bumalik sa kanya si Michelle lalo na ang baby nila na si Angelo.

Super Tekla, proud sa unang anak na nagawa siyang ipagtanggol sa mga bashers

Sa huling bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Tekla, natanong ni Ogie kung ano ang gagawin ni Tekla sakali ngang bumalik nga ang kontrobersyal na dating live-in partner.

"If you really love me, you have to prove yourself," ang sagot ni Tekla.

"Patunayan mo sa sarili na karapat-dapat ka!" dagdag pa nito.

Matatandaang sa unang bahagi ng panayam sa komedyante, nabanggit nito na noong nagkita sila ni Michelle para sa magiging kasunduan nila para sa anak, sinubukan na niya talaga itong pabalikin sa kanya sa kondisyon di na kasama ang mga kaanak nito.

Subalit hindi na ito pumayag kaya naman nagkaroon na lamang sila ng kasulatan para sa suporta ni Tekla sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng video

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tekla, minabuting hindi na kasuhan ang dating live-in partner

Noong nakaraang linggo, ginulantang ni Bana-ag ang publiko dahil sa mga paratang nito sa kanyang dating live-in partner na si Tekla na di umano'y nagagawan siya ng kababuyan.

Subalit kabi-kabila naman ang nagtanggol sa komedyante kabilang na rito ang kanyang unang kinasama na pinabulaanan ang lahat ng akusasyon.

Hanggang sa mismong ang tutulong na sana kay Bana-ag na si Raffy Tulfo ay umayaw na rin sa pagdududang gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.

Si Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla ay isang komedyante ng GMA. Naging isa siya mga co-host ni Willie Revillame sa programa nitong Wowowin kung saan nakasama niya si Donita Nose. Sa ngayon mayroon na silang YouTube channel na 'Donekla in Tandem'.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel