Mister, di na tinanggap ang nangangaliwang misis na nais pa ring bumalik sa kanya

Mister, di na tinanggap ang nangangaliwang misis na nais pa ring bumalik sa kanya

- Naging emosyonal ang isang mag-asawang nagkausap sa programa ni Raffy Tulfo

- Inirereklamo ng mister ang kanyang misis dahil sa di umano'y panlalalaki nito

- Nais na lamang ng lalaki na magkaroon ng closure ang kanilang relasyon dahil tanggap na raw nila ng kanyang mga anak ang nagawa ng kanyang misis

- Sinubukan pang magsumamo ng misis upang makabalik ito sa kanilang tahanan subalit nagmatigas na ang mister at hindi na siya nito tinanggap pang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister, di na tinanggap ang nangangaliwang misis na nais pa ring bumalik sa kanya

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang mister na si Jessie Enotorio upang humingi umano ng tulong na matuldukan na lamang ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Gremilline Enotorio.

Nalaman ng KAMI na mayroon daw ibang lalaki ang misis at nagawa pa nitong iwan ang kanyang pamilya para rito.

Ama, matiyagang naglalako ng ice buko para mapagtapos ang anak na 3rd year college na

Napaluha talaga ang mister habang kinakapanayam siya ni Tulfo gayundin ng misis na nasa kabilang linya.

"20 years tayong kasal, itinapon mo lahat yun para lang sa lalaki na yan?" naluluhang pahayag ni Jessie sa kanyang misis.

Maging ang panganay nilang anak na lubos nang nakakaunawa sa mga nangyayari ay nakiusap sa ina na panindigan na lamang ang desisyon na pag-iwan sa kanila at huwag na ring guluhin ang ama nila. Matagal na rin daw nilang napatawad ang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hiling na lamang din ng mister na mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Subalit ang misis ay sinubukan pang magsumamo sa kanyang asawa. Handa raw umano siyang tanggapin ang masasakit na salita nito. Kahit daw hindi pa siya nito hayaan na magkaroon ng cellphone gagawin niya makabalik lamang sa kanilang pamilya lalo na at may maliit pa silang anak.

Lolo, matiyagang hinahanap ang nawawalang misis na may sakit sa pag-iisip

Ngunit nagmatigas na si Jessie at pinanindigan na ang desisyon na hindi na muling tanggapin ang babae.

Sa huli'y nagpasalamat na lamang sila na naging bahagi sila ng buhay ng bawat isa at tila isinarado na ang posibilidad na maayos pa sila.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si si Raffy Tulfo hindi lamang sa pagiging isang mahusay na broadcast journalist sa bansa kundi maging sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong ng mga mamamayang naapi.

Kamakailan ay nakatulong siya sa pagresolba at pagtuklas ng katotohanan sa umano'y mga paratang ni Michelle Lhor Bana-ag sa dating live-in partner na komedyanteng si Tekla.

Magpapa-aabot pa sana ng tulong si Tulfo kay Bana-ag kahit na nagkaroon na umano na sila ng kasunduan ni Tekla para sa kanilang anak subalit umatras ang host ng 'Wanted sa Radyo' dahil sa malaking posibilidad na gumagamit pa rin di umano ng ipinagbabawal na gamot ang dating kinakasama ng kontrobersyal na komedyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel