Ama, matiyagang naglalako ng ice buko para mapagtapos ang anak na 3rd year college na

Ama, matiyagang naglalako ng ice buko para mapagtapos ang anak na 3rd year college na

- Hinangaan ang isang ice buko vendor na matiyagang naglalako, mapagtapos lamang ang anak na 3rd year college na

- Maliliit pa raw ang kanyang mga anak ay ito na ang kanyang ikinabubuhay at hindi niya ito ikinahihiya

- Dahil sa kasipagan ng ama, isang vlogger ang nakapansin sa kanya at natulungan siya nito

- Labis na nagpapasalamat ang mag-ama dahil hindi nila inaasahan ang mga biyayang natanggap sa tulong ng vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama, matiyagang naglalako ng ice buko para mapagtapos ang anak na 3rd year college na

Photo from Archie Hilario - Pobreng Vlogger YouTube channel
Source: Facebook

Nakakabilib ang kasipagan ng 59-anyos na si Betring Andrade, isang ice buko vendor.

Nalaman ng KAMI na nasa 20 kilometro ang nalalakad nito sa araw-araw mailako lamang ang mga paninda na siyang pinagkukuhanan niya ng ikabubuhay.

Talagang nagsisipag si Tatay Betring lalo na at nasa 3rd year college na ang kanyang anak na iginagapang niyang makatapos ng pag-aaral.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

Nakarating ang kwento ni Tatay Betring kay Archie Hilario o mas kilala bilang si Pobreng Vlogger.

Dahil dito, sinadya nila ang ruta ng ice buko vendor para makapanayam nila ito at maabutan ng tulong.

Kwento ni Tatay Betring, bata pa ang kanyang mga anak ay ito na ang kanyang ikinabubuhay.

Lalo na noong pumanaw na ang kanyang misis, nagdoble kayod siya para maipagpatuloy ang pagtustos sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa loob ng isang linggo ay umaabot lamang sa P500-P900 ang kanyang kinikita na siyang pinagkakasya nilang mag-ama sa kanilang mga gastusin.

Ayon sa kanyang anak, sadyang mapagmahal at maalaga ang kayang ama kaya naman mahal na mahal din niya ito.

Sa tulong ni 'Pobreng Vlogger' nabiyayaan ang mag-ama ng groceries, tulong pinansyal mula sa tagasubaybay ng vlogger at iba pang pangangailangan ni Tatay Betring para sa kanyang paglalako.

Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang isang ina ng kambal na PWD

Maipagagawa na rin daw nila ang kanilang bahay lalong-lalo na ang bubong nito.

Labis-labis ang pasasalamat ng mag-amang hindi lubos akalain na makatatanggap ng umaapaw na biyaya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Archie Hilario:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang vlogger na si Archie Hilario sa Aklan bilang si Pobreng Vlogger na tumutulong kanyang mga kababayang labis na nangangailangan.

Kahit bago pa man ang pandemya, marami na silang natulungan at karamihan sa mga ito ay pawang mga matatandang walang maayos na tirahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel