Korean na naloko raw ng ilang Pinoy, pinili pa ring tumulong sa ating mga kababayan

Korean na naloko raw ng ilang Pinoy, pinili pa ring tumulong sa ating mga kababayan

- Nag-viral ang post tungkol sa isang Korean na matiyagang naglalako ng noodles sa kalsada

- Bukod sa 'buy 2 take 1' niyang paninda, namimigay pa siya ng libreng ice cold water sa mga dumaraan

- Napansin ito ng isang motorista na hindi nagdalawang isip na tulungan ang Korean national

- Mas lalong ginanahan ang Pinoy na tulungan ang Koreano nang malaman niyang minsan na pala itong naloko ng ilan nating kababayn subalit nagawa pa rin nitong isantabi ang sama ng loob at patuloy pa ring tumutulong sa mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Korean na minsan nang naloko ng ilang Pinoy, pinili pa ring tumulong sa ating mga kababayan

Photo from Justine Herrera Santiago
Source: Facebook

Marami ang bimilib sa kabutihang ipinakita ng post ni Justine Herrera Santiaga patungkol sa ginawang tulong ni Monira Romiro sa isang Korean sa lansangan na naglalako ng noodles.

Nalaman ng KAMI na namataan umano ni Monira ang Korean national na matiyagang naglalako sa gilid ng kalsada sa Las Piñas.

Lolo, matiyagang hinahanap ang nawawalang misis na may sakit sa pag-iisip

Bukod sa signage kasi nitong 'Buy 2 take 1' nakapukaw din ng attention ng motorista ang "Free ice dringking water" na ipinamimigay din ng Korean.

Hindi nagdalawang isip ang netizen na bumaba para matulungan ang Koreano na alam niyang nahihirapan sa kanyang ginagawa.

Nang usisain niya ito, mas lalo siyang ginanahang tulungan ito.

Nalaman kasi nito na dating mayaman ang Koreano na naabuso lamang daw ng ilang Pinoy kaya siya ay naghihirap sa ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit kahit ganoon pa man ang sinapit niya sa ilan nating kababayan, kapansin-pansing namutawi pa rin sa kanya ang pagtulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng tubig na maiinom ng bawat dumaraan.

Dahil dito, nagpasya si Monira na pakyawin na ang mga paninda ng Koreano para makauwi na rin ito.

Hindi raw ito makapaniwala sa biyayang natanggap niya sa araw na iyon. Sa ganoong paraan din napatunayan ni Monira na hindi lahat ng Pinoy ay manloloko.

Haponesa, dumulog kay Tulfo para masingil ang P150,000 na pinahiram sa Pinoy ex-BF

Ang maganda pa sa nangyari, naibahagi muli ng Koreano ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Monira dahil nang may humabol na isang customer na nais pang bumili, binigay na niya ito ng libre at sinabing sagot na ito ni Monira.

Kahanga-hanga ang kabutihan ng dalawang ito na bagaman at makaiba ng nasyunalidad, namutawi sa kanila ang pagiging matulungin lalo na at pare-preho tayong dumaraan sa krisis buhat ng pandemya.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Monira, isa sa mga kilalang matulungin sa kapwa tao magkaiba man ang nasyunalidad ay ang vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer na may tunay na pangalan na si Basel Manadil.

Bagaman at siya ay isang Syrian, may pusong Pinoy ito kaya naman ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel