Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

- Nakiusap na rin si Donita Nose na tigilan ang ang pagba-bash sa pamilya ni Michelle Lhor Bana-ag

- Ito ay matapos na matuldukan na ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang 'katandem' na si Super Tekla noong isang linggo

- Nagpasalamat din si Donita Nose kay Raffy Tulfo bilang sa programa nito dumulog si Bana-ag at doon din nito sinabing nagkaroon na sila ng kasulatan bilang kasunduan nila ni Tekla

- Si Donita rin ang nagmalasakit na tumulong kay tekla upang malinis na ang magulo at maruming condo unit na iniwan di umano ng mga nakasama nito sa bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash sa pamilya ng dating live-in partner ni Tekla

Photo from Donekla in Tandem Facebook
Source: Facebook

Nakiusap ang komedyanteng si Donita Nose sa publiko na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Lhor Bana-ag at sa pamilya nito.

Ito ay matapos na maisa-ere sa programa ni Raffy Tulfo na nagkaroon na umano ng kasunduan sina Bana-ag at inirereklamo nitong si Super Tekla.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Nalaman ng KAMI na sa social media post ni Donita nagpasalamat din ito kay Tulfo bilang sa programa nito dumulog si Bana-ag.

At dahil nagkaroon na ng kasulatan ang magkabilang panig, hiniling din ni Donita na tigilan na rin ng mga netizens ang paninirang puri kay Bana-ag at sa pamilya nito.

"Spread na lang ang love, Diyos nga nagpatawad, tayo pa kaya," ang bahagi ng makabuluhang post ni Donita.

Si Donita rin ang unang taong dumipensa sa kanyang ka-tandem mula nang isiwalat ni Bana-ag ang di umano'y pang-aabuso sa kanya ni Tekla.

Sunod naman niyang inintindi ang mismong pagdalaw kay Tekla lalo na nang ipakita umano nito sa kanya ang kalunos-lunos na itsura ng kanyang condo unit na iniwan di umano ng kanyang mga kasama noon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa vlog na ipinalabas sa kanilang YouTube channel, makikita kung paano tinulungan ni Donita si Tekla na ayusin ang 'tahanan' nito upang kahit na paano'y makalimot siya sa mga kaganapan doon kamakailan.

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

Si Donita Nose o na may totoong pangalan na Ogie Solano ay isang Kapuso comedian tulad ni Super Tekla. Sila ay nagkasama bilang mga co-host ni Willlie Revillame sa 'Wowowin' bago pa nila mapagdesisyunan na magkaroon ng YouTube channel na 'Donekla in Tandem'.

Tulad ni Donita, ilang malalapit na tao sa buhay ni Tekla ang agad na dumipensa sa komedyante kaugnay sa mga mabibigat na akusasyon ipinupukol sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rito si Ogie Diaz at maging ang dating kinasama ni Tekla sa loob ng walong taon ay pinabulaanan ang mga paratang sa komedyante.

Lalo na ang kapatid ni Tekla na nagsasabing mabuti itong tao at bilang kasama na niya ito mula pagkabata, alam niya ang totoong ugali nito.

Ngayon ding araw, Oktubre 26, ay inihayag na mismo ni Michelle na nagkaroon na sila ng kasunduan ni Tekla lalo na para sa kanilang anak na si Baby Angelo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel