Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

- Nagkausap na at nagkaroon na ng kasunduan sina Tekla at dating live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag

- Sa huling panayam ni Raffy Tulfo kay Bana-ag, nasabi nitong nagkapirmahan na sila ni Tekla ng kasunduan para sa kanilang anak

- Ninais pa sana siyang kunin ni Tekla alang-alang sa kanilang anak subalit tumanggi na raw si Bana-ag lalo na at hindi na kasama ang kanyang mga kamag-anak

- Kahit hindi na itutuloy ni Bana-ag ang kaso, desidido pa rin itong magpa-drug test at lie detector test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Photo from Michelle Lhor Bana-ag's Facebook
Source: Facebook

Agad na nagbigay ng update ang Raffy Tulfo in Action patungkol sa pinakaaabangang kaso ni Michelle Lhor Bana-ag laban sa live-in partner niyang si Romeo Librada o mas kilala bilang si 'Super Tekla.'

Nalaman ng KAMI sa panayam ni Raffy Tulfo kay Bana-ag, nasabi nitong nagkausap at nagkaroon na sila ng kasunduan ni Tekla.

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

Gumawa umano ng kasulatan ang manager ng komedyante na kanilang pinirmahan sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap.

Nabanggit din ni Michelle na nais pa rin sana silang kunin ni Tekla lalo na ang kanyang anak subalit hindi na siya pumayag.

Ito ay dahil ang nais na lamang isama ni Tekla ay ang mag-ina niya at hindi na ang mga kamag-anak ni Bana-ag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman sa kasulatang kanilang pinirmahan, magbibigay na lamang ng sustento si Tekla para sa anak nila ni Michelle.

Subalit pinayuhan ni Tulfo si Bana-ag na ipabago ang kasulatan at gawing malinaw na maging ang pag-aaral at pagpapagamot ng anak ni Tekla ay kasama rin sa sustentong ibibigay nito.

Nilinaw din ni Michelle na sa kabila ng pag-urong niya sa kasong isasampa sana laban kay Tekla, desidido pa rin siyang sumailalim sa lie detector test at drug test. Ito raw ay upang mapatunayan sa kanyang mga 'bashers' na nagsasabi siya ng katotohanan.

Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang isang ina ng kambal na PWD

Narito ang kabuuan ng video mula sa programang Wanted sa Radyo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buong tapang na dumulog si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo noong nakaraang linggo upang ireklamo ang di umano'y pang-aabusong dinaranas niya at ng kanyang mga pamangkin mula sa kanyang dating live-in partner na si Tekla.

Agad namang dumipensa sina Donita Nose at Ogie Diaz kaugnay sa akusasyon ni Bana-ag sa komedyante gayundin ang dating kinasama ni Tekla na hindi naman daw dumanas ng ganoon noon sila'y nagsasama pa.

Maging ang kapatid ni Tekla ay naglabas din ng saloobin kaugnay sa paratang ni Bana-ag at sinabing mabuting tao ang komedyante dahil kilala niya ito mula pagkabata.

Si Super Tekla ay si Romeo Librada na isang komedyante ng GMA. Mas nakilala siya sa "The Boobay and Tekla Show". Mayroon din silang YouTube channel ng kapwa niya komedyante na si Donita Nose, ang 'Donekla in Tandem.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel