Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

- Umalma si Donita Nose sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla nang ipakita nila ang condo unit ni Tekla

- Ayon sa lumabas na screenshot na pahayag umano ng kapatid ni Michelle Bana-ag, kinalat lang umano nila ang mga gamit para sa vlog

- Hindi nakapagtimpi si Donita at bumwelta laban sa paratang na iyon sa kanila

- Matatandaang nag-viral sa social media ang vlog nila Donita at Tekla kung saan nilinis nila ang condo unit na dating tinirhan nina Michelle kasama ang kapatid at mga pamangkin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Donita Nose ang akusasyon na scripted lamang umano ang pinakita nila sa pikahuli nilang vlog ni Tekla kung saan pinagtulungan nilang linisin ang condo unit ng komedyante na dating tinirhan din ng dating karelasyon na si Michelle Bana-ag kasama ang kapatid nito at ang kanyang mga pamangkin.

Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

Matatandaang agad na umani ng mga reaksiyon ang nasabing vlog dahil sa pinakita sa video na mga naiwang dumi sa condo unit.

Gayunpaman, tinulungan pa rin ni Donita ang kaibigan na linisin ang condo.

Sa isang screenshot ng convo na kumakalat ngayon sa Facebook, sinabi ng isang Facebook user na may pangalang Ashley Makyuut na sinasabing kapatid umano ni Michelle na scripted lang daw iyon at kinalat umano nila ang mga gamit na naroroon para sa vlog.

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

Photo from Donekla in Tandem Facebook page
Source: Facebook

"Hahhahahhaaa gusto sumikat ni ashley makyuut... Kakagigil ka dae!.. Scrpited? Dinala namin ang ipis? Juskooo sana sumama ka para nakita mo at nakatulong ka din maglinis para nalinis din mata at utak mo! Gigil mo ko" ani Donita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel