Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

- Hindi pa rin tumitigil sa kanyang pasaring si Miss Taguig Sandra Lemonon

- Ito ay sa kabila ng mga paalalang ibinahagi sa social media ng ilang mga beauty queens kagaya ni Shamcey Supsup-Lee at MJ Lastimosa

- Matatandaang nagpaalala si Shamcey tungkol sa kung paano tumanggap ng pagkatalo ang isang tunay na beauty queen

- Iginigiit ni Lemonon na dapat ang isang beauty queen ay lumaban ng patas at walang pandaraya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga paalalang ibinahagi ng National Director ng Miss Universe Philippines organization na si Shamcey Supsup-Lee tungkol sa kung paano ang dapat maging asal ng isang beauty queen, hindi pa rin nagpatinag si Sandra Lemonon.

"To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility –these are the marks of a true queen."

Catriona Gray, binati si Miss Universe PH Rabiya Mateo sa pagkapanalo nito
Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

Shamcey Supsup-Lee (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

Patuloy itong nagbabahagi ng kanyang patutsada sa social media na tila may pinaparinggan tungkol sa diumano'y pandaraya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot ni Lemonon sa Instagra Story niya, "Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say is that real queens play fair don't cheat."

Narito naman ang reaksiyon ng ilang netizens:

No perfect BeautyQueen but uknowledging ur defeat makes u a Queen...Let people judge and fight for u. Instead of Barking like a Bulldog..!
The more reason na you proved the MUP na tama ang naging decisions nila na hindi ka napasama sa top 5. Your post talks about your personality. There is a right way to prove your claim if it's true. But right now, let Ms. Iloilo enjoy the crown. If your claim is true, there's a proper way to address that. Remember, even though you didnt won the MUP crown, you're still MUP TAGUIG representing your city, and still a part of the MUP ORG
KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sandra Lemonon ay naging kontrobersiyal din noong 2018 noong sumali siya sa Binibing Pilipinas kung saan naitanong sa kanya ang tungkol sa Build, Build, Build program ng gobyerno sa Q&A portion at inamin niyang hindi niya alam ito.

Noong 2019 naman ay sinubukan niyang mag-audition bilang housemate para sa Pinoy Big Brother: Otso. ngunit umatras din ito.

Samantala, inalmahan ni Sandra ang mga komento ng netizens na puro lamang siya paganda kasunod ng kanyang kontrobersiyal na sagot sa Q&A portion noong 2018. Bumilib naman sina Vice Ganda at Anne Curtis sa pagiging honest nito na hindi niya alam ang tungkol sa tanong sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel