Catriona Gray, binati si Miss Universe PH Rabiya Mateo sa pagkapanalo nito

Catriona Gray, binati si Miss Universe PH Rabiya Mateo sa pagkapanalo nito

- Hindi man nakadalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2020 si Catriona Gray, sinigurado nito na naipaabot niya ang kanyang pagbati

- Isang mensahe ng pagbati ang kanyang ibinahagi para kay Miss Universe PH Rabiya Mateo

- Ito ay sa kabila ng mga kontrobersiyang lumalabas kaugnay sa pagkapanalo ni Mateo

- Maging ang ibang mga Pinay beauty queens ay bumati din sa bagong Miss Universe Ph

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaabot ng kanyang pagbati si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa bagong tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Sa isang tweet, ay isang masayang pagbati ang kanyang ibinahagi. “Congratulations to our new queen Rabiya!!! Welcome to the sisterhood! Excited to witness your journey!” ani Catriona.

Hindi man nakadalo sa coronation night ay inihayag ni Catriona ang kasiyahan para sa pagkapanalo ni Mateo.

Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

Tumugon naman si Mateo sa pagbating ito at pinasalamatan nito si Catriona.

"Omg, I still can't believe it. Thanks Cat. I will do it with a lot of love." aniya.

Samantala, narito ang komento ng ilang netizens sa pagbating ito ni Cat.

Queen, we know you will be guiding this probinsyana. We are already expecting the bitter teas, as some women cannot uplift other women. We have a fighting chance in Ms. Iloilo, she's very vulnerable but that is her strength. Thank you in advance in mentoring her.
Our very own Miss Universe 2018 Cat, you're always my biggest motivation to continue my medical studies with hope and great future

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang ilang mga Pinay beauty queens kagaya nina Gazini Ganados at Ariella Arida ay bumati din kay Mateo.

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

“Winning the pageant takes a lot of hardwork, dedication, but I would say that destiny also plays a part on it, based on my experience,” ani Ariela sa isang Instagram post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Catriona Gray, binati si Miss Universe PH Rabiya Mateo sa pagkapanalo nito

Catriona Gray (Photo by Paras Griffin/Getty Images)
Source: Getty Images

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe ngayong taon.

Naging tampulan ng intriga si Catriona Gray matapos kumalat ang mga cryptic post ng kanyang ex na si Clint Bondad. Kaya naman, ipinagtanggol si Catriona ng kanyang kasintahang si Sam Milby sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mensahe sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel