KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

- Umani ng pambabatikos ang host ng Miss Universe Philippines na si KC Montero

- Ito ay matapos mapansin ng mga netizens at ng mga tagasuporta ni Miss Bohol ang naging palitan nila ng salita

- Sa isang bahagi ng Q&A portion, hindi nagustuhan ng mga fans ni Miss Bohol ang kanyang naging tugon nang kumustahin siya ng kandidata

- Paliwanag ni KC, edited ang nasabing video kaya iba ang naging dating ng kanilang pag-uusap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumipensa si KC Montero matapos batikusin ng ilang netizens at tagasuporta ni Miss Bohol kaugnay sa sinagot nito sa kandidata nang kamustahin siya nito sa isang bahagi ng Q&A portion.

Sagot ni KC kay Miss Bohol, hindi siya dapat nito tinatanong.

Paliwanag ni KC, edited ang nasabing video at nakipagbiruan pa umano siya kay Miss Bohol Pauline C. Amelinckx.

Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

Aniya, isa si Miss Bohol sa pinaka na-enjoy niyang katrabaho.

"Just a heads up, the exchange between me and Ms. Bohol was edited. The exchange was actually a couple of minutes more of us joking with each other. Unfortunately it was cut and edited for time," ani KC sa isang tweet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang netizens ang bumatikos sa kanya kaugnay sa pangyayari. May mga naghambing pa sa naging tugon ng TV host sa pambato ng Iloilo City na si Rabiya Mateo.

Ayon sa kanila, maayos naman umano ang naging tugon niya kay Rabiya Mateo hindi kagaya sa pagsagot nito kay Amelinckx.

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

KC Montero (Photo by Michael Tullberg/Getty Images)
Source: Getty Images

Ang Miss Universe Philippines ay isang beauty pageant competition at organisasyon sa bansa na may layong makapili ng kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Ang Miss Universe ay maituturing na isa sa apat na pinakamalalaking international beauty pageants.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang naging pasaring ni Taguig representative Sandra Lemonon kaugnay sa katatapos lang na pageant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang 2nd placer na si Michele Gumabao ay hindi napatapos ang panonood sa watch party ng kanilang pageant dahil hindi umano niya kinaya ang pagtatanong sa kanya kaugnay sa naging resulta ng pageant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel