MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

- Sa unang pagkakataon, nagpaunlak ng isang panayam si Rabiya Mateo matapos tanghaling Miss Universe Philippines 2020

- Hindi niya naiwasang maging emosyonal habang ibinahagi ang kanyang saloobin kaugnay sa mga intrigang ipinupukol sa kanya

- Gayunpaman, mas pinili ni Rabiya na lawakan ang pag-iisip at intindihin ang pinanggagalingan ng ilang mga kasamahan

- Si Rabiya Mateo ay kinatawan ng Iloilo City na nakatanggap din ng Best in Swimsuit award sa nasabing beauty pageant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos tanghaling Miss Universe Philippines 2020, nagpaunlak ng isang panayam si Rabiya Mateo ng Iloilo City. Ito ay matapos mabalot ng kontrobersiya ang kanyang pagkapanalo dahil na rin sa naging reaksiyon ng ilang mga kasali sa nasabing patimpalak.

Sa isang panayam sa entertainment Journalist na si MJ Marfori, hindi napigilang maging emosyonal ni Rabiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pia Wurtzbach, ikinagulat ang mga kontrobersiya sa Miss Universe Philippines 2020

Isa sa mga binabatong intriga sa kanya ay ang umano'y pagbigay sa kanya ng tanong bago pa man magsimula ang pageant kaya maayos ang naging sagot nito.

Mariing pinabulaanan ito ni Rabiya at ginawa lamang niya ang kanyang makakaya dahil gusto niyang maging proud sa kanya ang buong Iloilo City.

Marami umano ang hindi naniwalang mananalo siya dahil hindi siya isa sa maituturing na mga front runners o yung mga kalahok na inaasahan nang manalo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masakit umano sa kanya ang mga lumalabas na mga kontrobersiya lalo at pwede naman iyon maayos sa pamamagitan ng pag-uusap lamang.

Gayunpaman, mas pinili niyang intindihin ang ilang kasamahan sa mga pinagdadaanan umano nila.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

Rabiya Mateo (Photo from rabiyamateo/Instagram)
Source: Instagram

Ang Miss Universe Philippines ay isang beauty pageant competition at organisasyon sa bansa na may layong makapili ng kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Ang Miss Universe ay maituturing na isa sa apat na pinakamalalaking international beauty pageants.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang naging pasaring ni Taguig representative Sandra Lemonon kaugnay sa katatapos lang na pageant.

Maging ang 2nd placer na si Michele Gumabao ay hindi napatapos ang panonood sa watch party ng kanilang pageant dahil hindi umano niya kinaya ang pagtatanong sa kanya kaugnay sa naging resulta ng pageant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel