Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

- Nagpahayag ng pagsuporta ang aktor na si Marco Gumabao sa kapatid na si Michele Gumabao

- Ito ay matapos tanghalin bilang 2nd runner-up si Michele sa Miss Universe Philippines 2020

- Nabalot ng kontrobersiya ang naturang beauty pageant matapos mapansin ng mga netizens na wala si Michele sa presscon para sa top 5 finalist ng MUP 2020

- Ayon kay Marco, hindi din siya sang-ayon sa naging desisyon sa kung sino ang nanalo ngunit hindi umano ito ang tamang oras na magpaka-bitter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Marco Gumabao ang kanyang pagsuporta sa kapatid na si Michele Gumabao na kasalukuyang pinuputakti ng kontrobersiya matapos ma-intriga ang pag-alis nito sa watch party ng Miss Universe Philippines 2020.

Sa isang pahayag ay inamin ni Michele na umalis siya dahil hindi niya kinaya ang mga tanong at reaksiyon ng mga kasamahan tungkol sa pagkabigo niyang mapanalunan ang korona.

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

Isa si Michele sa pinakamatunog na pangalan sa katatapos lang na MUP 2020 hindi lamang dahil sa kasikatan nito bilang volleyball player at TV personality kundi dahil ilang beses na rin siyang sumali sa mga national beauty pageant.

"Proud of you! Of course I don't agree with the decision, but now's not the time to be bitter about it. I know this is God's plan. We're just getting started." ani Marco sa kanyang Instagram story kalakip ng litrato ni Michele na kanyang ibinahagi.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Photo from Marco Gumabao's Instagram Story
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin naman ang mga negatibong reaksiyon ng ilang fans ng tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Ngayong Linggo nang umaga, inere ang resulta ng ginanap na Miss Universe Philippines 2020. Ipinasa ng Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados ang korona kay Rabiya. Tinanghal naman bilang First runner up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, Second runner up si Michelle Gumabao ng Quezon City, Third and fourth runner up naman si Pauline Amelinckx ng Bohol and Cavite’s pride Billie Hackenson. Sa kasalukuyan, si Zozibini Tunzi ng South Africa ang reigning Miss Universe.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya
Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi (Photo by Jaco Marais/Die Burger/Gallo Images via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michele Gumabao ay kumatawan sa Quezon City. Naging matunog ang kanyang pangalan dahil isa siyang kilalang volleyball player at dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Matatandaang palaban na sinagot ni Michelle ang mga bashers na nagkomento tungkol sa kanyang figure. Bukod kay Michelle, maging si Vicki Rushton na dating PBB housemate ay sumali din sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel