Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang isang ina ng kambal na PWD

Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang isang ina ng kambal na PWD

- Masuwerteng nabiyayaan ng programa ni Raffy Tulfo ang isang ina ng kambal na PWD

- Tumataginting na P100,000 ang napanalunan ng ginang na ginamit niya para sa pagpapalago ng kanyang munting negosyo at para sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak

- Hindi nasagot ng ginang ang unang tawag ni Tulfo at nainis pa umano siya sa tinatawagan, iyon pala siya na iyon

- Napakalaking tulong daw ng perang natanggap lalo na para sa pangangailangan ng mga anak na may special needs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang ina ng kambal na PWD

Photo: Raffy Tulfo's Instagram
Source: Instagram

Isang ina ng kambal na persons with disability ang nakatanggap ng P100,000 mula sa programa ni Tulfo na "Grand Tulong ni Tulfo."

Nalaman ng KAMI na ang masuwerteng ginang na ito ay si Gemma Fabrigas na may mga anak na may special needs.

Ang isa niyang anak na kahit na paano'y nakakapagsalita pa ang nag-video na siyang ipinadala nila sa programa ni Tulfo.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Halos hindi raw makapaniwala si Gemma dahil nanonood naman daw siya kay Tulfo nang oras na siya ay tinatawagan.

Nainis pa raw siya sa tinatawagan ni Tulfo na hindi raw sumasagot, iyon pala, siya na iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis na nagpapasalamat ang ginang dahil napakalaking tulong na raw ng perang natanggap para sa kanilang ikinabubuhay.

Nagkaroon din kasi siya ng karagdagang puhunan para sa munting negosyo na pagtitinda ng almusal.

Ngayon, naglalako na rin siya ng daing na bangus, mga lanzones, ubas at frozen goods.

Naibili na rin niya ng mga gamit ang kanyang kambal na anak tulad ng wheel chair.

Natutuwa rin si Tulfo na nasagot ni Gemma ang kanyang tawag dahil alam niyang nararapat itong mahandugan ng tulong na P100,000.

Narito ang video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Bukod sa pagiging isang batikang news anchor, mas nakilala si Raffy Tulfo sa pagtulong sa mga kababayan nating naaagrabyado o naaapi.

Mapa-ordinaryong mamamayan man o kilalang personalidad ay nagagawa niyang aksyunan agad ang mga isinusumbong at idinudulog sa kanyang programa.

Bukod pa rito, namimigay na rin siya ng biyaya sa mga kababayan nating kapos-palad. Maliban sa tulong pinansyal, minsan ay nagbibigay pa siya ng kagamitan o pangkabuhayan sa mapipili niyang karapat-dapat na mahandugan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel