Shamcey Supsup-Lee, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo

Shamcey Supsup-Lee, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo

- Matapos lumabas ang kontrobersiyal na pasaring ni Sandra Lemonon sa social media, isang mensahe ang ibinahagi ni national director ng Miss Universe Philippines organization

- Ang ibinahagi ng beauty queen na si Shamcey Supsup ay tungkol sa kung paano dapat tanggapin ng isang kandidata ang pagkatalo sa pageant

- Matatandaang naging usap-usapan ang kontrobersiyal na pahayag ni Lemonon matapos lumabas ang resulta ng Miss Universe Philippines 2020 pageant

- Tila umaalma si Sandra sa insidente umano kung saan may nangyaring kawalan ng hustisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-trending ang pangalan ni Sandra Lemonon kaugnay sa mga patutsada nito sa social media kaugnay sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020 Pageant, nagbahagi ng isang paalala ang national director ng Miss Universe Philippines organization na si Shamcey Supsup-Lee.

Lumalabas na umaalma sa pagkapanalo ng newly crowned Miss Universe titleholder na si Rabiya Mateo ng Iloilo City si Lemonon.

Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

Paalala ni Shamcey, "To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility -- these are the marks of a true QUEEN."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayundin ang beauty queen na si MJ Lastimosa ay nagpahayag ng mensahe tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo.

"BBP2012 taught me my greatest pageant lesson in life. A true queen is someone who can accept defeat and rise above it. A crown doesn’t define us, we define it. This is not the end but only the beginning for our #MissUniversePhilippines girls. Congratulations everyone," ani Lastimosa sa isang tweet.

Kasunod nito, nagpahayag ng suporta si MJ kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Shamcey Supsup-Lee, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo

Shamcey Supsup-Lee (Photo by David Becker/Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Catriona Gray, binati si Miss Universe PH Rabiya Mateo sa pagkapanalo nito

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang kampo ni Mateo tungkol sa mga lumalabas na alegasyon tungkol sa umano'y pagdala niya ng sariling Hair and Make up artist na ipinagbabawal umano sa mga kalahok.

Si Shamcey Supsup-Lee kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe noong 2011. Siya ang kumatawan sa Pilipinas sa ginanap na Miss Universe Pageant sa São Paulo, Brazil kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Sa kasalukuyan siya ang national director ng Miss Universe Philippines organization. Hinangaan din ng marami ang pagiging aktibo niya sa gawaing pansibiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel