Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

- Naglabas na ng update si Tekla patungkol sa kasalukuyan niyang lagay ngayong mag-isa na lamang siya sa kanyang condo unit

- Dinalaw siya ng malapit na kaibigan at katrabaho na si Donita Nose at doon ipinakita ang mga naiwan ng mga dating kasama ni Tekla sa kanilang itinuring noong tahanan

- Nabanggit ng komedyante na fully-furnished niyang nakuha ang unit subalit naibenta di umano ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag ang mga gamit na nadatnan nila noon

- Dagdag pa raw sa isipin ngayon ni Tekla ang pagbabayad ng mga kagamitang naibenta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

Photo: Donekla in Tandem Facebook page
Source: Facebook

Naglabas na ng update si Romeo Librada o mas kilala bilang si Tekla patungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan matapos na pumutok ang isyu na ibinato sa kanya ng dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Nalaman ng KAMI na binisita umano siya ng malapit na kaibigan at katrabaho na si Donita Nose para makumusta ng personal ang kapwa komedyante.

Doon makikita ang mga "naiwan" ng dating mga kasama ni Tekla sa kanyang condo unit na talaga namang hindi kaaya-ayang tingnan.

Nabanggit pa ni Donita na talagang hindi na rin maganda ang amoy ng lugar dahil sa mga basura at bulok na pagkaing iniwan ng mga tao roon na nag-alsa balutan na matapos na makapagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Habang sila'y naglilinis, nabanggit ni Tekla na fully-furnished ang unit na iyon. Subalit ayaw man niyang banggitin, marami raw ang naibenta ni Michelle na kagamitan kaya naman namomroblema siya ngayon sa pagbabayad ng mga ito.

"Wala, ganun talaga, yung inaakusa nila sa akin, hindi manlang makapaglinis ng unit. move on!"

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

"Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko"

"Lahat pinagbibenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya... Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!" ang ilan sa mga naging pahayag ni Tekla sa latest video niya sa kanilang YouTube channel na "Donekla in Tandem."

Gayunpaman, mapapansin na madalas na niyang nababanggit ang salitang "move-on" at nakakangiti na rin ito sa kabila ng hindi pa natutuldukan na kontrobersiya.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula nang sumiklab ang isyu na ibinato ni Michelle kay Tekla, unang dumipensa para sa komedyante sina Donita Nose at Ogie Diaz.

Maging ang unang kinasama ni Tekla sa loob ng 8 taon ay pinabulaanan din ang akusasyon ni Michelle laban kay Super Tekla.

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

Gayundin ang kanyang kapatid na si Alex Librada na suportadong walang katotohanan ang mga paratang ni Michelle lalo na at siya raw ang nakakakilala kay tekla noon pa man sila ay bata pa.

Si Tekla ay kilalang komedyante ng GMA. Nakilala siya sa kanilang programang The Boobay and Tekla Show." Ngayon, mapapanood na rin siya sa kanilang YouTube channel ni Donita Nose.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel