Vice Ganda, naitulak si Kim Chiu matapos siyang takutin nito

Vice Ganda, naitulak si Kim Chiu matapos siyang takutin nito

- Dahil nalalapit na umano ang Halloween, naisipan ni Kim Chiu na manakot sa kasamahan niya sa bahay pati na rin sa trabaho

- Nagsuot siya ng maskara na may mukha ng nakakatakot na horror film character na si Valak

- Nagsuot din siya ng itim na damit at nagbihis nang kagaya ng isang madre

- Isa sa pinakamatindi ang naging reaksiyon ay ang kanyang co-host sa It's Showtime na si Vice Ganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan ni Kim Chiu na manakot dahil malapit na rin ang Halloween. Bumili siya ng maskara ni Valak sa online store at nagsuot ng itim na kawangis ng isang madre sa nakakatakot na pelikulang The Conjuring 2.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Alex Gonzaga, ibinahaging nagka-COVID sila ng kanyang mga magulang

Nauna siyang nanakot sa bahay nila. Gayunpaman, marami sa kanyang mga kasamahan sa bahay ang hindi man lang nagulat sa kanyang pananakot.

Maging ang kanyang mga It's Showtime co-hosts ay kanyang biniktima. Ilan sa kanyang mga sinubukang takutin ay sina Amy Perez, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Karyl.

Gaynpaman, naging pinaka matindi ang naging reaksiyon ni Vice Ganda na naitulak pa umano siya dahil sa sobrang gulat nito.

Sa kabuuan, walo ang kanyang napagtagumapayang takutin at 12 naman ang hindi niya nabiktima.

Narito ang ilang komento ng netizens sa kanyang prank.

Daming Epic fail Kimmy. Best shookt reaction goes to meme Vice hahaha. Next time prank mo ulit si Xian by then baka maging success na.
Dami ko tawa sa simula lalo kay Xi. Alam na pala pero naawa naman ako sayo Kimmy kahit natawa ako kay Meme Vice. Nasuntok ka tuloy sa sobrang gulat niya. Love this vlog. Daming naki ride sa trip mo!
Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens
Tawang-tawa ako nung kay Meme Vice. Nakabawi si Kim sa lahat ng pranks na ginawa sa kanya sa GGV .. but mukhang maghihiganti si Mama Vice niya. hahaha! love love love Showtime family

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Vice Ganda, naitulak si Kim Chiu matapos siyang takutin nito

Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan, masayang ipinagdiwang ni Kim kasama ang kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla ang kanilang ikatatlong taong anibersaryo. Kumasa din sila sa Jojowain o totropahin challenge.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel