YouTube channel nina Tekla at Donita Nose, mayroon nang 400,000 subscribers

YouTube channel nina Tekla at Donita Nose, mayroon nang 400,000 subscribers

- Umabot na sa 400,000 ang subscribers ng YouTube channel nina Super Tekla at Donita Nose

- Masaya nila itong inanunsyo sa kanya ring Facebook page ngayong Oktubre 24

- Hindi raw sila makapaniwala na mas lalong dumami ang mga nagmamahal at nagtitiwala sa kanila ngayon sa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ni Tekla

- Nagpasalamat sila sa kanilang mga katandem na mahal na mahal daw ng dalawang komedyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

YouTube channel nina Tekla at Donita Nose, mayroon nang 400,000 na subscribers

Photo: Donekla in Tandem Facebook page
Source: Facebook

Masayang inanunsyo ng "Donekla in Tandem" na umabot na sa 400,000 ang YouTube subscribers nila ngayong araw Oktubre 24.

Ang "Donekla in Tandem" ay binubuo nina Super Tekla at Donita Nose na pawang mga kilalang komedyante ng GMA.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi nila ang kanilang pasasalamat sa kanilang Facebook page.

Halos hindi raw sila makapaniwala na sa kabila ng kontrobersiya na kinakaharap ni Tekla ay mas lalo pa raw ang nagmahal at nagtiwala sa kanila.

Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito

"Salamat sa pagmamahal, pagtitiwala, pasuporta sa amin, hindi namin inakala na mas lalong dumami nagmahal, yumakap, nagtiwala sa amin," ang bahagi ng kanilang post.

Labis-labis ang pasasalamat ng dalawa sa mga mahal nilang katandem na mas lalo raw silang pinagtibay sa panahon ng pagsubok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan ay binulabog ang showbiz industry matapos na dumulog ang live-in partner ni Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla sa programa ni Raffy Tulfo.

Inakusahan umano ni Michelle Lhor Bana-ag ang kinakasamang si Tekla ng pang-aabuso sa kanya at tila nadamay pa ang kanilang anak.

Hindi man agad na nakapaglabas ng pahayag ang akusadong komedyante, agad naman siyang dinipensahan ng malapit niyang kaibigan na si Donita Nose gayundin si Ogie Diaz na nakapanayam din ni Tulfo sa kanyang programa.

Pinabulaanan nila ang mga paratang ni Michelle kay Tekla na maging sila ay nagulat gayung mas kilala nila ang komedyante.

Kapatid ni Tekla, pinasinungalingan ang mga paratang at akusasyon laban sa komedyante

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang dating kinasama ni Tekla at ang ina ng kanyang unang anak ay naglabas din ng komento nito sa programa ni Tulfo at sinabing sa loob ng walong taong pagsasama nila ni Tekla, ni minsan ay hindi niya naranasan ang mga sinasabi ni Michelle na ginagawa umano sa kanya ng komedyante.

Suportado rin si Tekla ng kanyang kapatid na siyang nakakilala sa kanya mula pagkabata at pinabulaanan din umano ang mga pahayag laban kay Tekla.

Si Tekla ay isa sa mga kilalang komedyante ng GMA. Mas nakilala siya sa programang "The Boobay and Tekla show." Sa ngayon, patok sa mga netizens ang YouTube channel nila ni Donita Rose.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel