Alex Gonzaga, ibinahaging nagka-COVID sila ng kanyang mga magulang

Alex Gonzaga, ibinahaging nagka-COVID sila ng kanyang mga magulang

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga na tinamaan siya ng COVID-19 kasama ang kanyang mga magulang

- Sa isang video na kanyang ibanahagi, ipinakita ni Alex ang kanyang pinagdaanan

- Naging emosyonal siya nang unang nalaman ang tungkol sa paglabas ng resulta ng kanilang swab test

- Nilinaw naman ni Alex na nagnegatibo na sila matapos nilang sumailalim sa 14 na araw ng home quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Alex Gonzaga ang dahilan kung bakit hindi siya lumalabas sa bagong noontime show ng TV-5 na "Launch Out Loud". Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng COVID kasama ang kanyang mga magulang.

Naging emosyonal si Alex nang malaman niya na nagpositibo silang mag-anak sa COVID. Gayunpaman, ibinahagi niya ang kanyang dinanas sa loob ng 14 araw na home quarantine kung saan nakaramdam siya ng mga sintomas kagaya ng panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain at nawalan din siya ng panlasa.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Ipinagpasalamat naman ng aktres na ang kanyang mga magulang ay walang masyadong naranasang sintomas dahil parehas na umanong senior citizen ang kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, dahil nakabukod naman ang bahay ng kaapatid niyang si Toni Gonzaga, hindi naman sila nahawa.

Bukod sa kanyang mga magulang nahawahan din ang kasama nila sa bahay na si Sophie at pati na rin ang kasintahan ni Alex na si Mikee Morada.

Alex Gonzaga, ibinahaging nagka- COVID sila ng kanyang mga magulang

Alex Gonzaga (Photo from Flickr)
Source: UGC

Isang kasamahan umano nila sa bahay ang kumain sa labas at ito ang nakahawa sa kanila.

"Nakuha namin siya out of pagkain sa labas. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours pagbalik niya siguro don niya nakuha 'yung COVID. Ang una pong nahawa sa amin which thank God she is very asymptomatic, is my mom."

Nailabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang Twitter account.

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Paglilinaw ni Alex kaya niya ibinahagi ang kanyang COVID journey ay upang magbigay ng inspirasyon sa mga tao.

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex.

Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017 at namanhikan na rin ang pamilya ni Mikee sa mga Gonzaga.

Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Matatandaang isa si Alex sa inaabangang maging co-host ni Billy Crawford sa "Lunch Out Loud" sa TV-5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel