Kapatid ni Tekla, pinasinungalingan ang mga paratang at akusasyon laban sa komedyante

Kapatid ni Tekla, pinasinungalingan ang mga paratang at akusasyon laban sa komedyante

- Nagsalita na rin ang kapatid ni Super Tekla na si Alex Librada

- Sa kanyang Facebook post, ipinakita niya ang suporta sa kapatid sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap nito ngayon

- Pinabulaanan din niya ang mga paratang na ibinabato ni Michelle Lhor Bana-ag laban sa komedyante

- Sinabi rin ni Alex na kilala niya ang kapatid higit kanino man at alam niyang mabuting tao ito taliwas sa mga ipinupukol na di umano'y paninira lamang sa pagkatao nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kapatid ni Tekla, pinasinungalingan ang mga paratang at akusasyon laban sa komedyante

Photo from Super Tekla's Facebook
Source: Facebook

Naglabas na rin ng saloobin ang kapatid ni Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla sa gitna ng kinahaharap nitong isyu ngayon.

Nalaman ng KAMI na mabibigat na salita ng pagsuporta ang ibinahagi ni Alex Librada ang nai-post niya sa kanyang Facebook nitong Oktubre 23.

Ayon kay Alex, mula pagkabata ay kasama at kilala na raw niya ang komedyante na likas na mabuti noon pa man.

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

"Kung mayroon mang tao na mas nakakakilala kay Super Tekla o Romeo Librada, walang iba kundi ako,"

"Ako simula pagkabata hanggang ngayon magkasama kami, ako ang nakakaalam kung anong ugali mayroon siya!" ang bahagi ng post ni Alex patungkol kay Tekla.

Inamin niyang masama ang kanyang loob dahil sa mga ipinupukol na di umano'y maling paratang at akusasyon sa kanyang kapatid.

"Masakit sa kalooban na ang kapatid ko na mabait at mapagbigay ay masasangkot sa isang kasinungalingan na paratang," dagdag pa ni Alex.

"Tol, tibayan mo lang loob mo lalaban tayo. Wala sa dugo ng mga Librada ang inaapakan. Tandaan mo yan tol," ang patunay na sa mga panahong ito, kaisa pa rin ni Tekla ang kanyang pamilya na naniniwalang hindi magagawa ng komedyante ang mga akusasyon sa kanya ng live-in partner at ang ina ng bunso niyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner

Mainit na usapin ngayon sa showbiz ang kinahaharap na isyu ni Super Tekla kung saan inireklamo siya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo.'

Una nang dinipensahan ni Donita Nose ang kaibigan at kapwa komedyante sa mga usapin, gayundin si Ogie Diaz na pinabulaanan ang mga paratang ni Michelle kay Tekla. Maging ang unang kinasama ni Tekla na si Airyn ay sinagga rin ang mga paratang ng kinakasama nito ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay itinanggi na rin mismo ni Super Tekla ang mga naibulalas ng kampo ni Michelle na isang malaking kasiraan sa komedyante.

Upang makatulong sa mabilisang pagtuklas ng katotohanan, handa raw si Michelle at ilang tumestigo sa kanya na sumailalim sa lie detector at drug test na inalok sa kanila ng programa ni Raffy Tulfo.

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

Si Super Tekla ay isa sa mga komedyante ng GMA kasama nina Boobay at Donita Nose na pawang malalapit din niyang mga kaibigan sa industriya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel