Nag-viral na lady Grab driver na nakaalitan ng pulis, tinulungan ng tagahanga ni Tulfo

Nag-viral na lady Grab driver na nakaalitan ng pulis, tinulungan ng tagahanga ni Tulfo

- Hindi makapaniwala ang lady Grab driver na si Mary Florence Norial sa natanggap niyang tulong mula sa tagasubaybay ng programa ni Raffy Tulfo

- Ang may mabuting puso na ito ay minsan na ring nagpaabot ng tulong sa isa sa mga dumulog sa programang Wanted sa Radyo

- Labis ang pasasalamat ni Norial sa nagpaabot sa kanya ng tulong na P10,000 at hinandugan pa niya ito ng isang awitin

- Nagdagdag na rin ng P10,000 si Tulfo na mula sa legal assistance fund na nilaan niya talaga para sa pagproseso ng kaso na isasampa ni Norial sa nakaalitan na pulis sa Taguig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral na lady Grab driver na nakaalitan ng pulis, tinulungan ng tagahanga ni Tulfo

Photo: Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Mary Floerence Norial, ang viral lady Grab driver kamakailan na nakaalitan ni Police Captain Ronald Saquilayan sa Taguig.

Isang tagasubaybay kasi ng programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang nagpaabot ng P10,000 na tulong para kay Norial.

Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens

Nalaman ng KAMI na hindi ito ang unang beses na nagpaabot ng tulong ang taong may mabuting puso na ito na minsan na ring tumulong sa isa sa mga dumulog sa programa ni Tulfo.

Halos hindi makapaniwala si Norial sa tulong at biyayang tinatamasa niya ngayon matapos na siya ay makalaya sa tulong pa rin ng programa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Sa sobrang saya, napakanta pa si Norial na kanya raw handog sa nagpaabot ng P10,000 na isang negosyante sa Lucena City.

Nang malaman din ni Tulfo na hindi pa rin nakababalik sa trabaho si Norial dahil sa insidente, at hindi pa rin siya pinapayagan ng kanyang pamilya, dinagdagan pa niya ng P10,000 ang ipaabot na tulong kay Norial.

Ito ay mula sa legal assistance fund na P1 million na talagang inilaan ni Tulfo para sa isasampang kaso ni Norial laban kay Police Captain Ronald Saquilayan.

Nagrereklamong live-in partner ni Tekla, handang magpa-drug test at lie detector test

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong din ng mga netizens, nakarating sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na video na kinasasangkutan nina Norial at P/Capt. Saquilayan.

Naglabas din ng CCTV footage kung saan nakita ang bawat pangyayari na nagsimula lamang di umano sa pakiusap ni Norial na itabi ng pulis ang kanyang sasakyan upang makaalis na sila ng kanyang pasahero.

Doon nagkainitan ang dalawa matapos na tumanggi ng pulis na umabot pa sa sakitan at pag-aresto at pagkakakulong ni Norial ng ilang araw.

Sa tulong ng Grab kung saan nagtatrabaho si Norial gayundin ni Raffy Tulfo na kilala sa pagbibigay ng mabilisang aksyon sa mga taong naapi at nagsusumbong sa kanyang programa, nakalaya si Norial makalipas ang nasa isang linggong pagkakakulong.

Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, dinipensahan din ang komedyante

Ngayon, ipinoproseso na ang pagsasampa ng kaso ni Norial laban sa pulis sa tulong pa rin ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel