Nagrereklamong live-in partner ni Tekla, handang magpa-drug test at lie detector test

Nagrereklamong live-in partner ni Tekla, handang magpa-drug test at lie detector test

- Sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo, iminungkahi ng mga netizens na ipa-drug test at lie detector test si Michelle Lhor Bana-ag, ang nagrereklamong live-in partner ni Super Tekla

- Ito ay matapos na mahati ang opinyon ng mga taong sumubaybay sa kontrobersyang ito laban sa komedyante ng GMA

- Nang hingin ni Raffy Tulfo ang permiso ni Bana-ag ukol sa mga test, pumayag naman ito

- Sasailalim din sa mga nasabing test ang lahat ng tumayong testigo ni Bana-ag laban sa kanyang live-in partner na si Super Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagrereklamong live-in partner ni Tekla, handang magpa-drug test at lie detector test

Photo from Michelle Lhor Apuya Bana-ag's Facebook
Source: Facebook

Patuloy na umiinit ang tensyon sa magkabilang panig nina Super Tekla at live-in partner nito na nagrereklamo ng kanyang pang-aabuso na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sa huling update ng 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ngayong Oktubre 23, muling nakausap ng host si Bana-ag at tinanong nito kung papayag siyang sumilalim sa lie detector test at drug test.

Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, dinipensahan din ang komedyante

Nalaman ng KAMI na ito ay mungkahi ng mga netizens na tumutok na sa episode na ito ng programa mula nang isiniwalat ni Bana-ag ang mga di magagandang ginawa sa kanya ng komedyante.

Sa ganitong paraan, malalaman kung talagang nagsasabi ng totoo si Bana-ag sa dumarami pa niyang mga paratang at akusasyon laban kay Super Tekla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sige po, anytime po sir, lahat po yan, handa po akong harapin!" ang diretsong sagot ng live-in partner ni Tekla nang tanungin siya ni Tulfo kung papayag siya sa mungkahi ng netizens na ipa-lie detector at drug test siya.

Anumang oras ay maari raw pumunta ang staff ng programa ni Tulfo kasama ang mga magsasagawa ng test at ito ay sadyang biglaan.

Kasama rin sa sasa-ilalim sa mga test ang mga testigo ni Michelle na naglabas din ng pahayag laban sa komedyante.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Narito ang kabuuan ng bahagi na ito ng Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 20 nang ginulantang ni Bana-ag ang publiko dahil sa mga sumbong nito sa programa ni Tulfo tungkol sa pang-aabuso di umano sa kanya ng kanyang kinakasama na si Romeo Librado o mas kilala bilang si Super Tekla.

Matapos itong maisa-ere, naglabasan ang mga dumipensa sa komedyante tulad ni Ogie Diaz, Donita Nose, manager ni Tekla, gayundin ang unang naka-live-in ng komedyante na pinabulaanan ang mga akusasyon ni Bana-ag.

Pinakaaabangan ito ng publiko lalo na at nai-dulog pa ito sa programa ni Tulfo. Bukod kasi sa pagiging batikang broadcast journalist nito, kilala rin ito sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga ordinaryong mamamayan o maging kilalang mga personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel