Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, dinipensahan din ang komedyante

Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, dinipensahan din ang komedyante

- Nagsalita na rin ang dating kinakasama ni Tekla na si Airyn Gonzales sa programa ni Raffy Tulfo

- Pinabulaanan nito ang lahat ng paratang ni Michelle Lhot Bana-ag, ang nagrereklamong live-in partner ng komedyante

- Ayon kay Airyn, sa loob ng walong taon nilang pagsasama kung saan nagkaroon pa nga sila ng isang anak, hindi raw nagawa sa kanya ni Tekla ang mga sinasabi ni Michelle na ginagawa sa kanya ng komedyante

- Naglabas na rin mismo ng pahayag ang komedyante at hindi nito naiwasang maluha sa pagtanggi sa mga akusasyon sa kanya ng ina ng kanyang 'miracle baby'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, dinepensahan ang komedyante

Romeo Librada aka Tekla (Photo from Super Tekla Facebook)
Source: Facebook

Maging ang unang kinasama ni Romeo Librada o mas kilala bilang si Tekla na si Airyn Gonzales ay nagsalita narin sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na si Airyn ang ina ng unang anak ni Tekla na nasa kanyang pudar pa rin.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Mariing pinabulaanan ni Airyn ang mga paratang ni Michelle Lhot Bana-ag ang kasalukuyang live-in partner ni Tekla na dumulog sa programa ni Tulfo dahil sa pang-aabuso di umano ng komedyante sa kanya.

"Sa walong taon naming magkasama, hindi naman po niya nagawa sakin na ganun"

"Nakaka-exag naman pakinggan na ginutom ka, ginutom ka talaga?"

"Hindi naman po aabot sana sa ganyan, pwede naman po yun pag-usapan"

"Nasa magandang pag-uusap lang po talaga namin yun dati," ang ilan sa mga nasabing pahayag ni Airyn patungkol sa dating kinakasama.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Radyo Singko 92.3 FM Facebook:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humingi ng saklolo si Michelle Bana-ag kay Tulfo dahil sa sinasabing pambabastos sa kanya ng komedyante kahit sa harap pa ng kanilang sanggol na anak.

Una nang naglabas ng pahayag ang malalapit na tao kay Tekla sa industriya ng showbiz tulad nina Donita Nose at Ogie Diaz.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Pareho nilang dinepensahan ang mga alegasyon ni Michelle sa komedyante ng GMA.

Maging sa opisyal na pahayag ni Tekla, mariin din niyang itinanggi ang mga kontrobersyal na paratang sa kanya ng taong minahal daw niya sa loob ng anim na taon at ina ng kanyang 'miracle baby.'

Si Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla ay isa sa mga komedyante ng Kapuso network. Mas nakilala siya dahil sa programa niyang "The Boobay And Tekla Show" sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel