TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes, nagpa-indak sa netizens

TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes, nagpa-indak sa netizens

- Mabilis na nag-viral ang video ng original members ng Viva Hot Babes nang muli nilang sayawin ang "Sayaw Kikay"

- Naging patok muli ang kanilang dance hit na ito dahil sa TikTok kung saan ginagamit itong background music ng ilang video

- Aliw na aliw ang netizens na makita muli ang grupo na sumasayaw nito ngayong 2020

- 2003 pa nang mabuo ang kanilang grupo kaya naman natuwa ang mga dati pa nilang fans na makita silang magkakasamang muli

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes, nagpa-indak sa netizens
Photo from Zara Lopez's TikTok
Source: Facebook

Agaw-eksena ang TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes kung saan sinayaw nila ang sikat nilang dance craze noon na "Sayaw Kikay"

Nalaman ng KAMI na halos kumpleto ang grupo na kinabibilangan nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Gwen Garci, Jaycee Parker at Maui Taylor.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, pinakita ang kanilang Christmas tree na may sentimental value

TikTok video ito ng isa rin nilang video na si Zara Lopez na ibinahagi rin ng netizen na si Ang Elo sa kanyang Facebook.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walang kakupas-kupas ang grupo na todo hataw pa rin sa pagsasayaw.

Kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga ang natuwang makita na sila'y magkakasamang muli at sinasayaw pa nila ang kanyang dance hit.

Sa mismong TikTok page ni Zara, umabot na sa 64,200 ang nag-puso sa video nilang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

"Ang cute! ang gagaling pa rin nila"
"Iba talaga pag mga original! Go girls! ang galing parin po ninyo"
"Wow, halos kumpleto sila, nakakatuwa lang panoorin feeling ko tuloy ang bata ko pa!"

Read also

Xian Gaza, trending matapos din ipa-billboard ng isang may-ari ng skin care products

"Naalala ko ginagaya ko pa sila noon sa sayaw na 'to, nakakatuwang makita sila ulet"
"Still fab at kayang-kaya pa rin nilang humataw!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Viva Hot Babes ay all-girl group na nabuo noong 2003. Ilan sa mga orihinal na miyembro nila ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree at Pam Sarmiento.

Hanggang ngayon ay nakikita pa rin sa telebisyon ang ilan sa kanila tulad nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario at si Sheree.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel