Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

- Muling nagbigay ng update si Lorita Cadena, ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena patungkol sa pagpapagawa nila ng bahay sa Cavite

- Pinalipas lamang umano niya ang ika-40 na araw ng pagpanaw ni Lloyd bago niya pinasimulang muli ang pagpapaayos ng bahay na iniwan sa kanya ng anak

- Nang ipakita niya ang mga tanim na bulaklak ng yumaong anak, hindi naiwasang maging emosyonal ni Mother Kween

- Ipinagpapatuloy pa rin niya ang mga bagay na alam niyang nais magyari ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Update ni Mother Kween sa bahay ng yumaong si Lloyd Cadena

Photo: Mother Kween Vlogs
Source: UGC

Sa bagong vlog na inilabas ni Lorita Cadena, ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, ipinakita niya ang mga update sa iniwang bahay ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na matapos ang ika-40 na araw mula nang pumanaw si Lloyd o mas kilala sa bilang si "Kween LC", ay pinasimulan na ng kanyang ina ang mga ipapaayos nila sa kanilang tahanan sa Cavite.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Ayon kay "Mother Kween", una niyang ipinaaayos ang window grills at screen sa kanilang bahay dahil sa dami ng mga insekto roon.

Ipinakita rin niya ang naging problema ng kanilang gate na puro tali pansamantala dahil napapayad umano ito ng hangin. Isa rin ito sa kanilang ipapaayos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At nang mapunta sila sa garden, hindi naiwasang maging emosyonal ni Mother Kween nang ipakita ang mga huling tanim niya kasama ang mahal na anak bago ito pumanaw.

"Ito yung halamang tinanim, namumulaklak na. Tanim pa ito ni Lloyd, kaya inaalagaan ko," ang maluha-luhang sinabi ng in ni Kween LC.

Subalit dahil sa likas silang masayahin sa kanilang pamilya, agad niyang naibalik ang sigla sa pagpapatuloy ng kanyang vlog.

Ipinangako niyang patuloy pa rin siyang mag-a-update sa mga kaganapan sa kanilang bahay para na rin sa mga Cadenators na hanggang ngayon ay sumusubaybay sa kanya.

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Setyembre 4 nang gumulat sa publiko ang biglaang pagkamatay ni Lloyd Cafe Cadena o mas kilala bilang si 'Kween LC' sa kanyang mga vlogs.

Isa siya sa mga pinakaunang YouTube vloggers sa bansa na nagsimula nasa sampung taon na ang nakalilipas.

Sa kasamaang palad, inatake ito sa puso nang siya ay nasa ospital dahil sa COVID-19.

Nito lamang nakaraang linggo, nagbigay na rin ng update ang kanyang inang si Mother Kween sa kung ano ang mangyayari sa YouTube channel ni Lloyd ngayong namayapa na siya.

Ipinangako rin niya sa mga fans ni Lloyd na "Cadenators' na magkakaron sila ng get-together oras na matapos na ang pandemya ay maari na silang magkatipon-tipon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel