93-anyos na lolo, matiyagang tinuturuan ang mga apo kahit pa naka-magnifying glass

93-anyos na lolo, matiyagang tinuturuan ang mga apo kahit pa naka-magnifying glass

- Hinangaan ang isang lolo mula sa Tacurong City na matiyagang nagtuturo sa kanyang mga apo

- Sa kabila ng kanyang edad na 93, tinutulungan niya ang mga apo na magsagot ng kanilang mga module

- Bago pa man ang pandemya, ang lolo na ang siyang naging tutor ng mga apo na gumagabay sa kanila sa kanilang pag-aaral

- Proud naman ang ina ng mga bata sa ginagawa na ito ng lolo at masuwerte ang mga bata na naranasang maturuan pa ng kanilang lolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

93-anyos na lolo, matiyagang tinuturuan ang mga apo kahit pa naka-magnifying glass

Si Lolo Boning at apong si Marian (Photo from DepEd Tayo's Facebook)
Source: Facebook

Viral ang larawan ng 93-anyos na lolo na si Bonifacio “Boning” Gedaya, Sr. na matiyagang nagtuturo sa kanyang mga apo.

Nalaman ng KAMI na independent learners naman ang mga apo ni Lolo Boning na sina Marian at Adriano S. Cocjin, IV. Subalit maswerte ang mga ito na nagagabayan pa rin sila ng kanilang lolo sa pag-aaral.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Sa mga larawang ibinahagi ng DepEd Tayo Soccsksargen, makikitang mayroon pang hawak na magnifying glass si Lolo Boning habang nagbabasa ng aralin ng apong si Marian.

Senyales man ito ng panlalabo ng mga mata, hindi ito naging hadlang para magabayan ang mahal na apo.

Gayundin sa isa pang apo na si Adriano na matiyaga ring nakikinig sa kanyang lolo.

Treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) si Lolo Boning at masasabing matalas pa rin talaga ang kanyang pag-iisip sa kabila ng kanyang edad.

Hindi ito nalalayo sa naging trabaho niya noon bilang kahero ng malaking kooperatiba sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi raw pinalad na magtapos ng kolehiyo si Lolo Boning. Gayunpaman, siniguro naman niyang napagtapos niya ang kanyang mga anak.

At ito rin ang kanyang hangarin sa mga apo kaya naman patuloy siya sa paggabay lalo na at sa bahay lamang ang mga ito nag-aaral dahil sa pandemya.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Ayon sa Department of Education, bago pa man lumaganap ang COVID-19 sa bansa ay nakaalalay na talaga si Lolo Boning sa kanyang mga apo.

Masasabing malaki ang papel ng tulad ni lolo Boning sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong nasa new normal na sila ng edukasyon.

Bagaman at marami ang nais ng academic freeze base sa ulat ng Inquirer, marami ang tulad ni Lolo Boning na matiyaga sa pagbibigay kaalaman at pagtuturo sa kanyang mga mahal na apo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Oktubre 5 nang pormal na magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan.

Dumaan man sa napakaraming pambabatikos, masasabing nairaraos ito ng Kagawaran ng Edukasyon sa tulong ng mga guro at magulang at ng iba't ibang learning modalities na inihain sa mga mag-aaral para sa panuruang taon 2020-2021.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel