Bibong PE teacher sa kanyang online class, kinagiliwan ng netizens

Bibong PE teacher sa kanyang online class, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayong ang post ng isa raw umanong MAPEH teacher na todo ang pagsayaw kahit pa online classes lamang sila

- Sa saliw ng tugtog na "Angelina" hataw na hataw ang guro na siyang ginagaya ng kanyang mga estudyante sa pagsasayaw

- Aliw na aliw ang mga netizens at pabirong sinabi na nararapat lamang na ganoon kasigla ang mga guro sa kanilang pagtuturo

- Ang iba naman, humanga sa guro dahil sa kabila ng mga kinahaharap nilang pagbabago sa pagtuturo ngayong taon, sinisikap pa rin nilang maayos na magampanan ang kanilang tungkulin para sa mga mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bibong PE teacher sa kanyang online class, kinagiliwan ng netizens

Photo from Jay Garcia Gopez Facebook
Source: Facebook

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral video kung saan makikita ang isang guro na todo hataw sa pagsayaw niya sa kanilang MAPEH class.

Nalaman ng KAMI na ang video raw na ito ay isang Physical Education class kung saan bigay na bigay sa pagsayaw ang guro.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Ibinahagi ito ng netizen na si Jay Garcia Gopez at orihinal na kuha ng TikTok user na may pangalan na @kalokomo23.

Sa saliw ng sikat na sayaw nitong early 2000 na "Angelina" talagang todo todo ang paghataw ng guro na tila pinasusunod ang kanyang mga estudyante sa online class.

Totoo man daw o hindi ang video ng sinasabing guro na ito, kahanga-hanga pa rin daw at dapat na pamarisan ang taas ng energy level nito upang ganahan pa ring matuto ang kanyang mga estudyante kahit hindi sila magkakasama sa silid-aralan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Ay o, bongga si sir! gising na gising ang mga estudyante niya pag ganyan"

"Kahit online todo hataw! very good sir"

"O dapat ganyan ang mga guro para ganahan ang mga students kahit online sila"

Netizen na bumili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

"Hahaha kung ganito PE teacher ko, online ako lagi sa klase niya"

"Nakakaaliw si sir, hindi lang basta zumba, ibang level ang steps"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng pandemya, masasabing marami ang ginawang sakripisyo ng mga guro para lamang maibigay pa rin ang kalidad na edukasyon.

Ang ilan, nagawa pang sumakay ng traktora para lamang makapaghatid ng mga learning modules.

Mayroon din namang lumangoy at tumawid pa talaga ng ilog maibigay lang ang mga modules na magagamit ng kanyang estudyante na may kalayuan sa kabihaasnan ang tirahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel