Netizen na bumili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

Netizen na bumili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

- Viral ngayon ang post ng isang netizen na labis na nadismaya sa nabili niyang fake teeth cover

- Inaasahan niya kasing puputi na parang natural ang mga ngipin niya ngunit taliwas ito sa inaasahan

- Ibibigay pa naman daw niya ito sa kanyang ina ngunit laking gulat niya nang tila parang lumobo ang kanyang bibig habang suot ang mga ito

- Magsilbing babala raw ito sa mga nais bumili ng naturang produkto lalo na at malayong-malayo raw ang itsura nito sa advertisement ng kanyang pinagbilhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Netizen nakabili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

Fake teeth cover (Photo from Aleahcim Eam Zetroc's Facebook)
Source: Facebook

Idinanaan na lamang sa biro ng isang netizen ang labis na pagkadiismaya niya sa nabiling fake teeth cover.

Nalaman ng KAMI na maaring magmukhang natural na maputi ang mga ngipin kung gamit ang teeth cover na ito.

Kwento ni Aleahcim Eam Zetroc sa kanyang Facebook, binili raw niya ang fake teeth cover para sa kanyang ina.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Subalit nang makita niya ang produkto, sinukat niya ito at nagulat sa kinalabasan.

Itsurang lumobo na ang nguso ng netizen nang isukat ang nabili na malayong-malayo raw sa advertisement ng kanyang nabilhan.

"Pinagloloko niyo ba kami mga Pilipino? Ang ganda-ganda ng mga ads niyo," ang bahagi ng pahayag ng netizen.

Aniya, magsilbing babala at aral daw ang karanasan niyang ito sa iba.

Nagbiro pa siyang bago raw kunin ng mga umorder, sukatin daw muna ito kung tama ang sukat at kung maganda ba kinalabasan.

Natawa na lamang din ang mga netizens na nakakita ng post at nakipagbiruan na lamang sa nagpost nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Buti nalang cool ka ate, baka sa ibang customer yan pinangalanan pa yung store"

"Ingat po next time, hindi naman tayo na-inform na pang-costume ata yan"

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

"Nakakatuwa si ate, imbis na magalit, nakuha pa niyang magpatawa"

"Isauli mo nalang po yan, false advertisement po, sayang ang ibinayad"

"Ingat sa susunod sis, marami manloloko ngayon"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya kung saan limitado pa rin ang kilos at paglabas ng bawat isa, patok na patok ang online selling at ang pagpapa-deliver.

Katunayan, maging ang isang piloto na nawalan ng trabaho dala ng krisis ng pandemya ay piniling maging delivery rider upang maipagpatuloy lamang ang pagtataguyod sa kanyang pamilya.

Mayroon namang delivery rider na nagagawang pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aaral lalo na at online classes lamang ngayon kaya naisisingit niya ang pagdalo rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel