Pulis, hinangaan ng netizens matapos magsauli ng bag na may lamang P3 milyon halaga

Pulis, hinangaan ng netizens matapos magsauli ng bag na may lamang P3 milyon halaga

- Naging viral sa social media ang isang pulis na nagpamalas ng kanyang kabaitan at katapatan

- Nabalitang sinauli ng pulis sa may-ari ang bag na nakita niyang may lamang halaga ng P3 milyon

- Aminado ang pulis na nasubok ang kanyang katapatan nang makita ang laman ng bag ngunit hindi ito nagpa-dalos-dalos

- Kwento ng pulis, nanaig pa rin sa kanya ang pagiging Kristiyano niya at ang takot sa Diyos kaya sinauli na lang niya ang bag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang pulis dahil sa kanyang ipinamalas na kabaitan at katapatan.

Nalaman ng KAMI na nagsauli ang pulis ng bag na may lamang malaking halaga ng pera.

Pulis, hinangaan ng netizens matapos magsauli ng bag na may lamang P3 milyon halaga

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (ulat ni Elaine Fulgencio-Español), nakita raw ni Police Corporal Marold Cabrera ang bag sa isang restaurant habang kumakain siya rito noong Setyembre 18.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

"Sinecure ko na lang. Then, hinintay ko muna nang ilang sandali, baka bumalik. Pero, hindi na. Kaya binuksan ko yung bag. As protocol po naman, bilang pulis, na kailangan po namin i-check... Tumambad sa akin yung dalawang bundle na cash, P200,000. Then, dinala ko na sa aking sasakyan yung bag para i-check. (May) mga alahas, ATM, IDs, passbook, then cellphone,” paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng Philippine News Agency (isunulat ni Hilda Austria), inamin naman ng pulis na sumagi sa isip niyang tangayin ang bag pati ang laman nito dahil marami siyang pinagkaka-utangan. Subalit, nanaig pa rin sa kanya ang pagiging Kristiyano at takot sa Diyos.

Kaya naman, sinundan niya ang direksyon kung saan pumunta ang may-ari at nakita niyang naka-park ito sa may highway.

Ayon sa Facebook post ng Philippine Star, pinarangalan sa isang flag-raising ceremony kamakailan si Cabrera dahil sa kanyang katapatan.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, humingi ng tulong ang isang misis sa programa ni Raffy Tulfo upang mapanagot ang asawa niyang pulis na may relasyon umano kay barangay kapitana.

Paliwanag ni misis, nakita niya raw ang mga sweet na larawan ng asawa niya at ni kapitana. Sinabi rin ni misis na nabuntis daw ng pulis si kapitana.

Samantala, naging viral naman din sa social media ang mga pulis na gwapo at nagbabantay sa mga checkpoint.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel