Paghaharap nina 'Makaganda' at 'Makagwapo' sa Tulfo, viral na

Paghaharap nina 'Makaganda' at 'Makagwapo' sa Tulfo, viral na

- Matapos mag-viral ng kuwento nina Caffey "Makaganda" Namindang at ni Christian "Makagwapo" Merck Grey ay nagharap na sa wakas ang dalawa

- Naging emosyonal ang paghaharap ng dalawa matapos sagutin ni Christian ang mga matinding akusasyon ni Caffey sa kanya

- Marami raw hindi totoo sa kuwento ni Caffey kay Tulfo kaya siya ang naging masama sa paningin ng mga tao

- Inamin naman ng vlogger na hanggang ngayon ay mahal pa niya si Caffey

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa unang pagkakataon ay nagharap na sa programa ng "Raffy Tulfo in Action" sina Caffey "Makaganda" Namindang at ang kanyang vlogger ex-boyfriend na si Christian "Makagwapo" Merck Grey.

Nalaman ng KAMI na sinagot ni Christian punto-per-punto ang mga naging paratang ni Caffey sa kanya.

Matatandaang nag-viral ang Facebook live ni Caffey matapos niyang ibunyag na "scripted" daw lahat ng videos nila ni Christian.

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

SInabi rin niya na pinipilit daw siya nitong magpakita ng maseselang parte ng kanyang katawan na labag sa kanyang kalooban para lamang sa views.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero ayon kay Christian, marami raw kasinungalingan sa mga pahayag ni Caffey, "Marami po kasi siyang mga sinabing hindi totoo.. Humaba na nang humaba hanggang sa gumagawa na siya ng kuwento."

Unang sinagot ni Christian ay hindi raw totoong siya lang ang may access sa bank account nila dahil sa katunayan ay meron daw silang joint account ni Caffey.

Pangalawa, maayos naman daw sila ni Caffey at nagulat na lang siya na meron na pa lang issue samantalang magkasama at magkatabi pa raw sila 'nung mga panahong 'yon.

"Bago po kayo mag-interview ng Part 4, magkasama pa po kami 'nung gabi pa lang. Simula 'nung umaga hanggang kinabukasan okay pa po kami 'nun," paliwanag ni Christian.

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Hindi raw totoo ang sinasabi ni Caffey na kinuha niya ang cellphone nito dahil kusa raw itong binigay sa kanya ni Caffey.

Wala rin daw katotohanang sinasaktan niya si Caffey, "Hindi rin po totoong sinasaktan ko siya.. Sinasaktan niya po talaga yung sarili niya."

Aminado naman si Christian na mahal pa rin niya si Caffey dahil hindi raw biro ang tatlong taon na pinagsamahan nilang dalawa.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Nitong nakaraan ay pinag-usapan sa social media ang naging kontrobersyal na Facebook live ni Caffey 'Makaganda' Namindang. Isiniwalat kasi niya na "scripted" lang lahat ng kanilang vlogs ng boyfriend niya na si Christian Merck 'Makagwapo' Grey. Dahil dito, dumulog na si Caffey sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang dating live-in partner.

Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng korte

Nabalitaan ding nagsangla si Makaganda ng mga alahas na galing kay Makagwapo para merong panggastos. Walang-wala na raw kasing pera si Caffey matapos siyang iwanan ng vlogger na boyfriend.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel