Carol Banawa, masayang ibinahagi ang kanyang bagong achievement

Carol Banawa, masayang ibinahagi ang kanyang bagong achievement

- Masayang ibinahagi ni Carol Banawa ang tungkol sa kanyang bagong achievement sa kanyang career

- Base sa kanyang post nakamit ni Carol ang kanyang bachelor’s degree in nursing sa Grand Canyon University

- Matatandaang masaya niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang pagtapos sa kursong nursing

- Sa katunayan, nakapagsilbi pa siya bilang frontliner nagyong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinalita ni Carol Banawa na nakamit niya ang kanyang bachelor’s degree in nursing mula sa Grand Canyon University.

“Another goal achieved,” aniya kalakip ng isang picture ng toga na kanyang ibinahagi.

Pinasalamatan niya ang kanuyang pamilya na naging dahilan upang maabot niya ang kanyang mga pangarap.

“Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies. Thank you for always pushing me, supporting me and believing in me,” aniya.

Assunta de Rossi, hindi maitago ang excitement na masilayan ang kanyang miracle baby

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects. I love you all so much,” dagdag pa niya.

Inialay niya sa kanyang ama, ina at mga kapatid ang kanyang bagong tagumpay.

“Bachelor's degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY,” aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Carol Banawa (Photo from @iamcarolbanawa/Instagram)

Carol Banawa, masayang ibinahagi ang kanyang bagong achievement
Source: Instagram

Matatandaang natapos ni Carol ang kanyang kursong nursing sa Northern Virginia Community College noong Mayo ng taong 2018 kung saan nagtapos siya bilang summa cǛm laude. Naging registered nurse siya noong July ng kaparehong taon.

Cristy Fermin slams Vice Ganda over transfer issue: ‘Wag kang mayabang!’

Ilan sa mga pinasikat na awitin ng OPM singer ay “Tanging Yaman”, “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”. Bukod sa pag-awit ay nakitaan din siya ng potensiyal sa pag-arte kaya nabigyan din siya ng ilang TV shows at pelikula noong siya ay nasa Pilipinas pa lamang. Matapos ang pinagdaanan ng kanyang dating home network na ABS-CBN, nagpahayag ng mensahe ng pagsuporta ang mang-aawit kahit pa wala siya sa Pilipinas.

Bago pa man tuluyang nagsilbi bilang isa sa mga frontliners sa pag-asikaso ng mga COVID patients, ibinahagi ni Carol na nakaranas siya ng mga sintomas ng COVID. Gayunpaman, napagtagumpayan niya iyon at gumaling kahit pa hindi siya sumailalim sa pagsusuri upang makumpirma kung nagkaroon nga siya ng coronavirus.

Ibinahagi niya rin kamakailan ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel